Kunekdadats (The "Conspiracy Theory" edition)
(.) Hanggang ngayon, wala pa ring nakikitang solusyon sa mga problemang kinakaharap ng bansa (KUNG sakali ngang may balak ang mga kinauukulan na humanap ng mga remedyo) . Hindi pa nga nareresolba ang political crisis hinggil sa legitimacy ng pamumuno ng “presidente” niyong si GMA, patong-patong na suliranin na naman ang kinakaharap ng mga Filipino, pangunahin na ang RVAT at ang isinusulong na Cha-Cha para sa kapakinabangan ng mga buwitre sa pamahalaan.
(.) Ipinagmamalaki ng gobyerno ang halos linggo-linggong paglakas ng piso kontra sa dolyar. Ang mga remittance daw mula sa mga OFW ang isa sa mga maituturing na dahilan para rito.
(.) Ayon sa ilang survey na ginawa noong mga nakalipas na araw, halos nakararami sa mga Filipino ngayon ang hindi masaya sa mga nangyayari sa Filipinas. Wala na rin silang nakikitang magandang kinabukasang naghihintay para sa bansa.
(.) Maraming Filipino ngayon ang lumalabas ng bansa para humanap ng trabaho. Sa katunayan nga, maraming mga doktor ang nag-aaral para maging nurse at makapaglingkod sa mga banyaga.
(.) Noong nakaraang linggo, apat na senador ang nagpahayag ng kanilang pag-aalala sa patuloy na paglabas ng mga doktor mula sa bansa. Kung hindi raw ito mapipigilan, maaaring bumagsak ang health care system ng Filipinas sa loob lamang ng ilang taon.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home