Monday, January 09, 2006

Sa Pagitan ng dalawang C (completion ng subject at comprehensive exam)

1. Quite back in the game, peeps. Wala pang mahaba-habang entry dahil gaya ng madalas kong sabihin, marami pang ginagawa. Kaunting hirit lang muna, appetizer kumbaga.

2. Noong 010506, nakatanggap ako ng ganitong mensahe mula sa number na 09158123634:

CONGRATS
Ur>Lucky
w0n/3RDPRZ <75oooooo>
P:GMA> CHARITY
ANNIVERSARY
FUNraisingDRAW!
DTAILS&INFO
CALLNOW!
Atty; CHRIS G LUNA.
DTI#1003
JAN.5/2006.

Hindi ko alam kung sino ang mabibiktima pa ng kupaloiduz na ito, pero sa hirap nga naman ng buhay ngayon, baka marami nga ang maniwala sa anunsiyo ni "Atty. Chris G. Luna" tungkol sa "FUNraisingCHARITY" ni PGMA (tangnangto, manloloko na lang mali pa ang spelling). Ayon sa dalawang kakilala ko na naitext din ng parehong mensahe pero hindi nauto, pero tumawag pa rin kay attorney, tinatanong daw nito ang address at buong pangalan ng mga "winner." Ayos yun ah, free delivery pa ang premyo. Ano kaya ang balak ng gagong to? Baka magnanakaw o kidnapper na naghahanap ng impormasyon mula sa mga posibleng biktima. Worst, baka naman pupunta ito sa bahay para lang paratangan ang "winner" na UTO-UTO! Ingat sa mga ganitong kupaloiduz peeps.
Para naman sa'yo, "attorney," ito ang pabaon ko hanggang sa kunin ka na ng panginoon mong demonyo: (in my Mon Tulfo persona) TANGNAKA, GAGO.

3. Nitong nakaraang linggo, inilunsad ni GMA ang kanyang "tindahang Pinoy" (marahil nakikisakay siya sa mga anthemic na kantang pam-Pinoy na nauso noong nakaraang taon, sa pangunguna ng "Pinoy Ako" at "Posible"). Ibinida ni Gloria na sadyang mas mura ang mga bilihin dito, halos P3 ang diperensiya ng presyo ng bigas dito at ang pinakamurang bigas na puwedeng bilhin sa mga tindahan, at P0.25 naman ang baba ng presyo ng isang pakete ng noodles kaysa presyo sa mga sari-sari store. Para raw maiwasang pakyawin ito ng mga kapalmuks na negosyante, itatayo lang ang mga "TP" sa mga lugar na tutukuyin bilang pinakamahirap, at piling mga pamilya lamang ang makabibili rito (malamang yung mga pinakamahirap din), na kikilalanin sa pamamagitan ng isang card (na sinlaki ng diploma ng elementary graduation, batay sa mga napanood ko sa TV) na ibibigay sa kanila ng DSWD.
(Ayos ah. Kung sakaling hindi pa sapat ang kakulangan ng damit at pagkain para mararamdaman mong ubod ka ng hirap, nariyan ang DSWD para bigyan ka ng card na nagsasabing mahirap ka. Mahirap na kasi, baka malimutan mo. Mabuti nang patuloy na mapaalalahanan.)
Ang tanong ko lang, paano kayang maiiwasan na maging "Idol ko si Kap" sari-sari store ang mga "TP"? Hindi naman sinasabi kong corrupt ang lahat ng mga kapitan at iba pang opisyal ng barangay, pero hindi rin naman maikakailang laganap talaga ang katiwalian mula sa ugat hanggang sa pinakasentro ng pamahalaan.
As for my comment, well, isa na naman itong band-aid solution sa matagal nang dinaranas na problema ng mga Filipino. Tangna, ang ibig sabihin lang nito tanggap na ng pamahalaan na maraming Pinoy ang nag-uulam na lamang ng noodles! Anong sustansiya ang makukuha ng mga tao mula sa mga ito maliban sa monosodium glutamate at food coloring yellow # 5? Sa halip na hanapan ito ng lunas, kung bakit noodles na lang ang inuulam ng ilang "masuwerteng" Pinoy na may naihahain pa, lalo lang bubundatin ng pamahalaan ang mga taong ito ng noodles na mura lang ng P0.25 mula sa SRP. Ayos.

4. May bagong programa ang BSP tungkol sa paggalang sa mga barya. Ayon sa commercial, hindi dapat balewalain na lamang ang singko, diyes o bente singko sentimos dahil mahalaga pa rin ang mga ito. Hindi ko lang alam, pero tanda ba ito na sadyang naghihirap na ang bansa (well, at least tayong mga wala sa puwesto ng pamahalaan)? Hindi naman na nila siguro tayo kailangang paalalahanan pa dahil OO, mahalaga ang mga ito dahil sadyang ito lamang ang nahahawakan ng nakararaming Pinoy sa kasalukuyan. Magkano kaya ang binayad para sa airtime ng commercial na iyon? Barya din kaya?
5. Anong ginawa ng tongresman mo lately, bukod sa magpaskil ng mga tarpaulin na may ubod ng laking larawan niya, at naglalaman ng kanyang umano'y accomplishment (na last time I checked, pinondohan naman ng buwis mula sa ating mga bulsa, at hindi sa kanya) o di kaya'y pagbati ng Pasko, Bagong Taon o kung ano mang pagdiriwang na gusto niya batiin ang mga constituents niya?
6. Pista ng Nazareno ngayon, at kanina ibinalitang 30 tao ang na-injure dahil sa stampede at may 1 tao ang namatay. Taon-taon na kasing nagkakagulo ang mga deboto ng Nazareno sa tuwing inilalabas mula sa simbahan ang imahe ni Kristo, nagbabalyahan, nagtutulakan makasampa lamang sa karo o di kaya'y makahawak sa lubid na nakakabit dito, na pinaniniwalang nakapagpapagaling ng anumang sakit. Astig. Kung hindi ako nagkakamali, pag-uunawaan, pagtutulungan at pagmamahalan ang ipinangaral ni Hesus dati. Isa pa, I don't think bibigyang preference ng Diyos ang sinumang nakahawak sa tali o nakasama sa karo ng Nazareno, pero nakatuntong naman sa ulo ng iba pa niyang mga kapwa deboto naman sana. Astig pala ang daan patungong kaligtasan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home