Tuesday, November 08, 2005

VOTE FOR ME

Buhay pa ako, marami lang talagang pinagkakaabalahan kaya walang update. Mahirap talagang mabuhay sa panahon ng politikal na krisis at EVAT kaya kailangang rumaket. Siyangapala peeps, kahit maaga pa ibabalita ko na ngayon pa lang ang hangarin kong tumakbo para sa halalan. Seryoso ito, walang halong biro. Ang gusto ko, basta may kinalaman sa paggawa at pagpapatupad ng batas so malamang sa Kongreso. Ngayon pa lang, nagsusulat na ako ng mga posibleng panukalang batas kung sakaling manalo nga ako sa hinaharap (na hindi naman malayong mangyari dahil sa tulong niyo... hint, hint). Basta tandaan lang ang mga pangalang ito na maaaring isulat sa balota, dahil ito ang irerehistro ko sa COMELEC: JELSON ESTRELLA CAPILOS, JELSON, CAPILOS, JELSON CAPILOS, JELSON E. CAPILOS, SON, JCAP. Mag-iisip pa ako ng ibang tawag gaya ng "Mr. Palengke" ni Roxas at "Mr. WOW" ni Gordon. Basta tandaan, sa isa sa mga halalan sa hinaharap, pakiboto sana si JELSON ESTRELLA CAPILOS para sa pagbabago. Salamat po.


P.S. Kung may nangnanais mag-ambag para sa aking campaign fund, taos puso ko ring tatanggapin. Pero kung magbibigay, huwag umasang masusuklian ko sa pamamagitan ng mga "concession" at pabor. Good governance lang ang ibabalik ko, peksman.

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

ako ang campaign manager. basta ok ang allowance. at bibigyan ng position sa gobyerno ang lahat ng kamag-anak ko.

5:37 PM  
Blogger xxx said...

gamitin mo na lang yung pangalan mo sa adonis. Mr. 12 inches. Ang laki! este ang lakas ng dating.

3:47 PM  

Post a Comment

<< Home