WAWA, WE (020406)
Nang ilunsad ni GMA ang kanyang programang "Tindahang Pinoy," iginiit niyang para raw iyon sa mga "poorest of the poor," na makikilala sa pamamagitan ng mga ID na sinlaki ng certificate of graduation ng elementary, mula sa mga lokal na pamahalaan. Isang hakbang daw ito para matiyak na ang mga labis na nangangailangan ang talagang makikinabang sa murang mga bilihin.
Ang sabi naman ng National Anti-Poor Commission, nahihirapan daw silang tukuyin kung sino talaga ang maaaring ituring na "poorest of the poor." Malamang-lamang lang ginawa nila ang nasabing pahayag habang nananatili sila sa loob ng kanilang mga komportableng opisina.
Sa nangyari noong Sabado, marahil nakita na ng NAPC ang kanilang hinahanap (Yun ay KUNG naghahanap nga sila).
Gaya ng binanggit ko na dati, hindi lang yung mga namatayan o yung mga napinsala, maging yung kanilang mga kamag-anak, ang biktima sa trahedyang naganap nung Sabado. Sila lang yung manipestasyon ng matagal na nating pagkatalo. As in LAHAT tayo, biktima, matagal na. Lahat tayo, talo sa game show na kilala sa tawag na "Pamahalaang Arroyo."
Aminado ako isa ako sa mga taong nakipagsiksikan sa EDSA DOS, gayon din ang bumoto kay GMA noong nakaraang eleksiyon, pero ngayon hindi ko inakalang pagsisisihan ko ang mga ginawa ko. Sa loob ba ng kanyang pamamahala, ano na ang napala ng bansa? Mula sa grand prize ng political crisis na kinakaharap ng bansa ngayon, ang mga minor prize gaya ng mga anomalous deals, issue ng corruption sa halos lahat ng sangay ng pamahalaan at issue sa jueteng at misused fertilizer funds, maging ang mga consolation prize na mga "Programang Pangtrabaho ni PGMA" (kuno) na street cleaners at ang naturang "Tindahang Pinoy," ano pa ba ang napala ng bansa mula sa kanyang pananatili sa Malacanang? (Don't count, madidisappoint ka lang) At ngayon, dinagdagan pa ang buwis na binabayaran natin. Kay bigat na nga ang magpakawala ng income tax na hindi man lang sumayad sa kamay ng empleyado, hindi pa malinaw kung paano talaga ginagastos ang mga naipong halaga. Ngayon, may dagdag pang bayarin na kailangang tiisin ng mga Filipino. Kulang ang salitang "pagpapahirap" para ilarawan ang ganitong uri ng patakaran.
May punto si Sen. Mar Roxas dati nang sabihin niyang walang dapat ipagbunyi ang Palasyo sa paglakas daw ng ekonomiya ng bansa dahil hindi naman ito nararamdaman ng ordinaryong mamamayan. Paano ba mauunawaan ng simpleng tao ang press release ng gobyerno na lumalakas ang ekonomiya at piso kung hindi naman napagbubuti, sa halip lalo pa ngang lumalala ang kanilang buhay sa araw-araw? And no, hindi laging nasa kanila ang sisi, na kesyo mga tamad naman ang mga ito, hindi naghahanap ng trabaho, atbp. In the first place, nasaan ang mga oportunidad para sa pagbabago? Isa pa, paanong makapagbubukas ng oportunidad sa mga hindi nakapagtapos sa mga eksklusibong paaralan at kolehiyo, kung hindi pa rin maayos-ayos (hanggang putanginang ngayon!) ang sistema ng pampublikong edukasyon sa bansa? May mga tiyak na hakbang bang ginagawa ang ating pamahalaan bukod sa pag-aaksaya ng panahon at pera kaaatupag sa Cha-Cha, na sila rin naman ang makikinabang taliwas sa kanilang pinangangalandakan?
Muli, mainam banggitin na hindi lang yung mga namatayan o yung mga napinsala, maging yung kanilang mga kamag-anak, ang biktima sa trahedyang naganap nung Sabado. Sila lang yung manipestasyon ng matagal na nating pagkatalo. As in LAHAT tayo, biktima, matagal na. Lahat tayo, talo sa game show na kilala sa tawag na "Pamahalaang Arroyo." Gaya ng mga game show na pinanonood natin sa TV, hindi tao ang naglalaro; tao ang nilalaro ng sistema. Parang tayo, sunod-sunuran sa mga taong hindi naman kapakanan ng nakararami ang iniintindi, kundi ang kanilang mga sarili.
Wawa, we? You can bet on it.

2 Comments:
very witty pun. that show's cursed now.
Thanks a lot, Anonymous.
Post a Comment
<< Home