"V for VAT"
Kahapon, Feb 1, ipinatupad na ng gobyerno ang pagpapataw ng 12% VAT sa maraming bagay at serbisyo. Kaliwa't kanan ang paliwanag ng mga hangal sa pamahalaan na hindi apektado ang presyo ng mga unprocessed na pagkain o mga agricultural at meat products. Bukod pa rito, hindi naman daw gaanong malaki ang ipagbabago ng presyo, dahil "negligible," "relative" at "minimal" lang naman daw ang epekto ng VAT sa presyo ng mga bilihin. Inatasan din ang DTI na magbantay sa mga pamilihan para maparusahan ang mga magsasamantalang negosyante.
Eh mga %&^*$(# pala sila eh. Hindi naman kataka-takang nagtaasan ang presyo ng lahat ng bilihin, direkta mang epekto ng VAT o hindi. "Negligible?" "Minimal?" "Relative?" Mula sa punto de bista ba ng karaniwang Filipino ang pamantayan ng mga opisyales sa paglalabas ng ganitong pahayag? Sadyang napaka-relatibo ng kanilang mga salita. Ganoon din kaya ang pakiramdam ng mga taong hirap na hirap mag-budget ng kinikita sa bawat sentimong itinataas ng mga bilihin at serbisyo? And magbabantay ang pamahalaan para maiwasan ang pananamantala ng mga negosyante? Sinong niloko nila? Eh nakapandadaya nga sa eleksiyon at natatakasan ng mga nakakulong mismo sa kampo ng pulis at militar ang gobyernong ito, paano kaya nilang magagawang magbantay laban sa ilegal na pagtataas ng presyo ng bilihin? Dito nga sa amin, lahat ng sari-sari store nagtaas na ng presyo, pinakamababa na ang singkuwenta sentimos. Ngayon, sino ang niloko ng pamahalaan?
Ano ang katwiran ng gobyerno para sa pagpapataw ng mas mataas na VAT? Para raw makalikom ng mas maraming pera para pambayad sa mga luho ng mga politiko, uhmmm, sa utang pala ng Filipinas, at sa pagpapatupad ng mga programa para sa ikauunlad ng buong bayan. Hindi naman natin kailangan ng mas maraming pera eh. Ang kailangan, epektibong pangongolekta ng buwis AT ang wastong paglalaan ng pera para sa iba't ibang proyekto. Bakit pa tinawag na "pamahalaan" ang pamahalaan kung hindi rin naman ito nangyayari?

0 Comments:
Post a Comment
<< Home