Wednesday, January 25, 2006

Killer Filler


Ngayong panahon ng krisis, sadyang kapuri-puri si MVP (that's Manny V. Pangilinan to the uninitiated) at ang Smart network. Kamakailan lang, nakatanggap ako ng text na nagpapaalala sa aking nariyan ang Smart para padalhan ako ng tipid tips ngayong, well, panahon ng krisis. Kung may itetext lang akong keyword, makatatanggap na ako ng DAILY tipid tips sa halagang P2.50/message. Mabuti na lamang at nariyan ang isang kompanyang nagmamalasakit sa mga Pinoy, handang magbigay payo sa mga labis na nangangailangan. Astig.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home