Wednesday, December 20, 2006

Doobidoo ChaCha version (halaw mula sa “Doobidoo” ng APO Hiking Society)

Kapag nagsama-sama mga Kongresista
Walang inatupag kundi Chacha
Pagbabagong kahit wala Senado
Okey lang dahil lahat utos ko
Sabayan ang simoy ng magpa-Pasko
Busy lahat di-mapapansin ng tao
Kapag buo na't handa na ang lahat
Sabay-sabay ang pasok sa bagsak ng paa
Heto na, heto na, heto na-hah-hah...

Chorus 1
JDV do it, c’mon do it
JDV do it, c’mon do it
JDV, c’mon do it

Mahirap gumawa ng ganitong hakbang
Dahil nga naman kami lang makikinabang
At kahit na kami ay dambuhala
Tiyak sa amin ay may babangga
At meron din namang magpoprotesta
Malalakas ang tinig, tono’y nagbabaga
Sinisigaw sa ere ang bawat salita (haah)
Kapag narinig mo ay nakaiirita
Heto na, heto na, heto na-hah-hah...

Repeat Chorus 1

Nagalit CBCP nagtawag ng rally
Kaya kami ni JDV agad nag-sorry
Pagdating ng linggo di naman maugong
Kaya ang Cha-Cha train tuloy ang gulong
Ihanda ang tropa tayo’y makikibaka
Ipipilit ang gusto kahit ayaw nila
Kapag buo na’t handa na ang lahat
Bansa’y magugulat dahil narito na
Heto na, heto na, heto naaah…

Repeat Chorus 1 2X

Chorus 2
Tuloy ang Cha-Cha, itutuloy
Tuloy ang Cha-Cha, itutuloy
Tuloy ang Cha-Cha itutuloy-ah

Repeat Chorus 1 to fade

6 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Sir, astig nitong version ninyo ng kanta! Dumadalaw lang po. =)

12:10 PM  
Blogger The Game said...

maraming salamat sa pagdaan, dating estudyante. : )

12:57 AM  
Anonymous Anonymous said...

Sir, may mabibili po bang ganyan na kanta sa tindahan?

6:50 PM  
Blogger The Game said...

maraming salamat sa pagdaan, anonymous.

9:24 PM  
Anonymous Anonymous said...

ang korni namputa!

3:17 PM  
Blogger The Game said...

salamat sa pagdaan, "i said." wala naman din akong layuning magpatawa sa entry na yan eh. : )

9:49 PM  

Post a Comment

<< Home