Monday, December 18, 2006

BITIW

Ayon sa balita, ibinasura na raw ni Gloria at ng kanyang mga alagad ang planong pagbabago sa Konstitusyon (pansamantala lang kaya huwag nating tatantanan ang mga tangnangto dahil malingat lang tayo sandali tiyak muli silang aatake) bilang pagtugon sa hinaing ng mga mamamayan (ulul! sinong niloko niyo!). Dahil dito naisip kong magbago ng kanta ("Bitiw" ng Spongecola) tungkol sa mga last ditch effort ng mga Kongresista na kumbinsihin si Gloria na huwag bumitiw sa ChaCha train. Hindi man ako sang-ayon sa mga pinaggagagawa ng Spongebob na kanta na wala namang naiaambag na bago sa industriya ng musika (pero magandang gamiting halimbawa sa klase ang kawalan ng BAGO at ORGANIKONG KAISAHAN sa kanilang mga pinagkakakanta), heto't nanghiram ako ng isa sa kanilang mga "obra" para ialay sa paborito kong hindi-pangulo-pero-ang-lakas-ng-loob-umasta-bilang-presidente at sa kanyang mga alipores, and the song goes a li'l something like this:

BITIW (mula sa, well, "Bitiw" ng Spongebob)

Tama walang laglagan to
At sama-samang yakapin ang pangarap
Tayo’y magbabago ng Konstitusyon
Na maghahatid sa atin
Sa isang mahabang pamumuno
Di na hihinto

Wag kang bibitiw Gloria
Wag kang bibitiw Gloriaahhh
Higpitan lang ang ‘yong kapit
Malapit na ang ‘no term limits’

Teka, kaya ba natin ‘to
Kung hindi na’y durugin ang manggugulo
'Yun 'yon
Kaya hanggang ngayon
Tuloy-tuloy, tuloy-tuloy, tuloy

Wag kang bibitiw bigla
Wag kang bibitiw Gloriaahhh
Higpitan lang ang ‘yong kapit
Malapit na ang ‘no term limits’

Ating tinig, ating himig
Abot langit
Heto na tayo (heto na tayo) 2x
Heto na tayo (heto na tayo) 3x

6 Comments:

Anonymous Anonymous said...

spongecola yata, hindi spongebob

1:21 PM  
Blogger The Game said...

that's how much i hate them and their songs, pare. duh.

1:28 PM  
Anonymous Anonymous said...

hahahaha. akala ko po pinaka-hate niyo pa rin ang Cueshe? hehe.

9:31 AM  
Anonymous Anonymous said...

spongecola yata, hindi spongebob

4:32 PM  
Anonymous Anonymous said...

hindi nga, spongecola talaga yun, hindi spongebob

4:33 PM  
Anonymous Anonymous said...

o sir, akala ko ba gusto niyong patayin si gloria? bakit dito wag na cyang bumitiw? haha

anyway po, may tanong po ako tungkol sa pastiche. kunwari po sa skwaters area. diba sa urban setting, yung mga taga skwaters nagmumula po sila sa iba't ibang sulok ng pilipinas? e diba kapag dumadating po sila sa maynila at inaangkin nila yung lupa ng iba, nagdadala rin po sila ng kani kanilang estilo ng pamumuhay, tradisyon at kaisipan. so parang pastiche po ba yun kase sa dami po ng mga nag-coexist sa skwatters area, parang nagiging "bago" na po ang uri ng pamumuhay na iyon?

wala lang po naisip ko lang :P

10:50 PM  

Post a Comment

<< Home