Monday, December 11, 2006

Hindi ako galit, nagpapaliwanag lang

"The world is too dangerous to live in, not because of the people who do evil, but because of the people who sit AND LET IT HAPPEN." (Albert Einstein)

Ilang araw na akong aburido. Paano ba naman, nitong mga nagdaang araw wala nang laman ang balita kundi ang pagmamadali ng mga Kongresista na baguhin ang Konstitusyon. Sino ba namang hindi magagalit (well, maliban sa kanilang may mga pakana, duh!), marami na ang napinsala nang dahil kay Reming at Seniang, itong mga tangnang politikong ito wala nang ibang inatupag kundi ang kanilang mga pansariling interes! Maliban sa ilang may katinuang miyembro ng oposisyon na humarang sa masamang plano ng mayorya at sa halip inihain ang suhestiyong sa pagtulong muna ng mga nasalanta ng bagyo sila tumutok, sino pa bang Kongresista ang nag-alok ng tulong para sa mga biktima? Mayroon bang ni isa sa kanila ang nangakong maglalaan ng halaga mula sa kanilang pork barrel para sa nasabing proyekto (magpa-Pasko na kasi, duh!)? Mayroon na bang nagpakamatay o nangakong magpapakamatay hindi bilang tulong sa mga nasalanta ng bagyo, pero malaking tulong pa rin just the same para sa bansa?

Wala. Walang walang konsensiya ang mga hinayupak na ito. Nang mag-ingay pa nga ang mga nanonood dahil sa mga pinaggagagawa nila, may isang Kongresistang nagyabang at pinagalitan ang isa sa mga nag-ingay: "you're not even a congressman!" Mabuti't binara siya ng kanyang biktima: "we're taxpayers, and we pay your salaries!", at ng isa sa kanyang kapuwa kongresista: "they are our constituents, they have a right to tell us what they want to."

Sa Senado naman, may nagwala dahil hindi siya napasama sa listahan ng mga kinukunsidera para maging Chief Justice ng SC! "I am foaming in the mouth!," "I want to bite someone!," aniya sa kanyang privilege speech. Uhhm, sino ba namang matinong tao ang uusal nang ganito, lalo pa sa mga pormal na pagtitipon? Tapos, sabay sabi niya sa media na tinawagan siya ng kanyang doktor at pinaalalahanan tungkol sa kanyang altapresyon. Ang masasabi ko lang matapos ang kanyang ginawa, hindi altapresyon ang nangangailangan ng pag-iingat kundi ang kanyang katinuan. (and no, Madame, those "tililings" you hear? they're not Christmas bells...)

In the first place, bakit ba minamadali (let alone pinaplano) ng mga gunggong na ito na baguhin ang Konstitusyon? Matatandaang sa kasagsagan ng Hello, Garci isyu ito unang lumabas (ha ha, akala mo ligtas ka na idol? Hinding-hindi ka makatatakas hangga't politika ang tinutukoy ko). Hanggang ngayon, wala pang resolusyon ang isyu at ang pansin ibinaling na lang sa Cha-Cha. Ang masasabi ko: PALITAN ANG MANDARAMBONG, HINDI ANG KONSTITUSYON! Tapos idinaan pa sa People's Initiative o P.I (may ibang P.I. akong naiisip na babagay sa mga politikong ito) ang naturang hakbang, kahit pa sadyang panlilinlang lang sa mamamayan ang kanilang ginawa at ito mismo ang dahilan ng Korte Suprema sa pagbasura sa naturang hakbang. May grupo pang pinangalanang Sigaw ng Bayan na nagsulong at patuloy na nakikipaglaban para rito. Nakaiinis isiping sa laki ng tenga ng pinuno ng Kongreso ngayon hindi pa rin nila naririnig ang tunay na SIGAW NG BAYAN, ang TANGNANIYONGLAHATMAMATAYNAKAYO
SALOTKAYOSALIPUNANBUMALIKNAKAYOSAIMPIYERNOHINAHANAP
NAKAYONISATANASPEROCOMETOTHINKOFITBAKAPATISIYABALAKIN
NIYONGPATALSIKINKAYAMASMINABUTINIYANGDITONA
LANGKAYOSAFILIPINANSMAGKALATNGLAGIM
PEROTANGNAPARINKAYONGLAHAT!

Yan, yan ang tunay na Sigaw ng Bayan.

Hindi ba't ang trapo panlinis ng dumi? How come na ang mga trapo sa Kongreso ang mismong nagkakalat ng kung ano-anong katarantaduhan?

Matakot kayo sa karma, I tell you. Ika nga ni Hya my lovey dovey, Digital na ang karma ngayon. Malay natin, kayo na ang sumunod na masalanta (uy hindi ko kayo sinusumpa ah, nagbibigay babala lang) ng kung anong sakuna or baka tamaan ng isang malalang sakit na sa sobrang lala sa tingin mo at ng iyong mga miron hindi dapat malaman ng sambayanan (uhh, may tinamaan ano? sigurado ako riyan). May kabayaran ang lahat, maghintay lang kayo.

Paano ba yan, harap-harapan na tayong ginagago ng mga tangnang politikong ito wala pa rin tayong ginagawa. Masyado na ba tayong manhid? Marami nang sinabi si Conrado de Quiros (all hail!) tungkol sa attitude nating ito.

Tayo ba bilang sambayanan, kailan gigising? Okey lang ba sa atin ang mga ganitong katarantaduhan? Lahat tayo may kasalanan kung bakit ganito ang ating tinatamasa sa kasalukuyan; tama si Einstein. SO, hahayaan na lamang ba natin ang ganito?

4 Comments:

Anonymous Anonymous said...

kailangan nating kumilos! magbuhat tayo ng weights sa covered courts!

2:05 PM  
Blogger Hya Bibit- Capilos said...

napansin ko, muhkang di ka nga galit... all caps and bold letters doesn't mean you're angry naman... merely expressing your opinion...

this is a funny entry :) was laughing while reading it.

11:20 AM  
Blogger The Game said...

at nakuha mo pang tumawa love habang binabasa ito? grrr, NOW i'm angry. he he.

3:30 PM  
Anonymous Anonymous said...

nice sir. onga po. hindi naman kayo galit nun ah. hehehe. nice comment!@siryol

9:30 AM  

Post a Comment

<< Home