Required writing
As the title suggests, biglaan lang na update ito nang makapaglagay naman ng bago.
Kahapon yata o noong isang araw, isinugod sa St. Luke's si Gloria. Pangatlo na raw ang pagdalaw niyang iyon sa ospital sa loob ng limang buwan. Ayon sa press con ng doktor, executive checkup lang naman daw iyon at walang dapat ikabahala (hmmm, sino ba naman ang mababahala kundi sila-sila lang namang magkakamag-anak pati na rin mga kakampi nilang politiko; they can't say the same for the whole nation). Dahil dito Gloria (pansin bang hindi ko ginagamit ang salitang "Pangulo" kahit pa ito na mismo ang nakalagay sa plaka ng kanyang official vehicle?) I've got two words for you: PAGALING KA. Seryoso ito. Habang nasa opisina ka kasi kaunti, kundi man wala totally, ang ikinauunlad ng bansa (taliwas sa mga press release ng iyong mga alagad), paano pa kaya ngayong may iniinda kang sakit?
Ngayong nasa isyu na rin naman ng confinement ni Gloria sa St. Luke's, gusto ko lang sabihing HINDI BIRO ang halagang kailangang iprodyus at maipakita sa nabanggit na ospital bago ka ma-confine. Sa kaso ni Gloria, dahil may "posisyon" siya sa pamahalaan, hindi na niya ito problema. Ang punto ko lang, malaki-laki ang gastos para sa kanyang "checkup" at sa kanyang pananatili sa ospital gaano man kaikli. Sino ngayon ang sasagot sa mga naturang gastusin?
Dahil dito, hindi ko maiwasang maisip kung bakit kinakailangang sa St. Luke's pa siya kinakailangang magpatingin. Hindi ba't mayroon namang mga public hospital na gobyerno ang nagpapatakbo? Hindi ba't ilang ulit na ring lumabas sa TV ang DOH secretary at sinabing malaki na ang ipinagbago ng mga ospital na ito ilang buwan na ang nakararaan (sabay susundan ng mga balita tungkol sa pagkamatay ng mga pasyente, karaniwan bata, sa mga nabanggit na government hospital)? Bakit kung gayon, kinakailangang sa isang pribado at mamahaling ospital pa magpatingin at manatili si Gloria?
Para sa akin, sintomas ito ng kawalan ng tiwala ng mga government official sa kung paano nila pinamamahalaan ang bansa. Walang ipinagkaiba si Gloria sa mga kongresista, senador o opisyal ng DepEd at CHEd na nagsasabing ginagawa nila ang lahat para mapaganda ang sistema ng pamamahala at pagtuturo sa mga pampublikong paaralan pero sa ibang bansa at sa mga pribadong institusyon naman ipinadadala ang kanilang mga anak. Si Erap naman dati, nang kailanganing operahin ang tuhod nag-iinarte pang sa ibang bansa raw siya dapat maoperahan at nang hindi payagan, minabuti na lamang na papuntahin dito ang kanyang doktor na banyaga kaysa mga doktor na Filipino ang mag-opera sa kanya. Ngayon, si Gloria naman ang may ganitong drama (sabi nga sa mga text message noong una pa lamang siyang dalhin sa ospital, "DAYArrhea" lang naman daw ang sakit ni GMA, at "DAYAtabs" lang naman daw ang panlunas).
Paano magtitiwala ang karaniwang mamamayan sa mga opisyal na ito eh sadyang ibang-iba ang kanilang mga pinaggagagawa sa nilalaman ng kanilang mga pananalita? Mas mainam kung mamumuno sila sa pamamagitan ng pagbibigay-halimbawa: kung gumaganda nga ang sistema ng pampublikong edukasyon sa bansa, dapat doon nila pag-aralin ang kanilang mga anak; kung tunay ngang umaangat ang kalidad ng mga ospital sa ilalim ng pamamahala ng gobyerno, marapat na doon din itakbo ang mga pinuno sa gobyerno, nailuklok man sa puwesto by vote or by Garci. Sa huli, lalo lamang lumilinaw ang katotohanang wala naman talagang umuunlad sa bansa kundi sila-sila lamang sa poder ng kapangyarihan, again nailuklok man sa puwesto by vote or by Garci.
(Hindi naman halatang kapapanood ko lang uli kagabi for the NTH friggin' time ng "V for Vendetta.")

8 Comments:
happy birthday! Ü nice birthday gift for yourself... entry about your fave person in the world..
hi sir! napadalaw lang po ako sa inyong blog. ^^ Birthday niyo pala po! Happy birthday!
Di po namin akalain na ang guro namin sa Fil12 ay kaibigan niyo po. ^^ Si sir Yol ang aming guro ngayon.
Sige po sir! Paminsan-minsan po ay titingnan ko po muli ang blog niyo.
~Ding
sensya po sa pagcomment uli (o sa pag-spam) hindi ko napansin na anonymous ang nakapili... ahaha.. nakakatanga ang ginawa ko. Anonymous at may pangalan sa ilalim. ahaha...
thanks ding sa pagbisita at sa pagkomento. sabi ko nagbilin na ako kay yol ng mga dapat abangan sa klase, yung mga magaling kako, at hindi ka kasama dun. biro lang. mag-aral kayo nang maigi.
Sir! Birthday nyo po pala. Hehe. Happy Birthday:) Hindi ko na po itatanong kung ilang taon na kayo. Hehehehe. Ayun nga po. Prof po namin si Sir Yol kaya lagi kayong nababanggit. Hehehe:D Madrama man po ngunit salamat sa po sa napakasayang Fil11. Hehehe.:D
sir sayang late na masyado para magpaload rev sa klase nyo. nagtuturo po ba kayo sa fil14? pag summer?
maraming salamat sa mga dumaan at bumati. masaya rin ako sa mga nakaraang klase ko, at siyempre nanghihinayang hindi na tayo magkakasama. hmm, labis akong nagtataka ngayon kung bakit ako binabanggit ni yol sa klase. at "tansya," hindi ko pa alam kung tatanggap ako ng fil 14 sa summer. maraming salamat uli sa lahat.
jelson? sino yun?
Post a Comment
<< Home