Samutsari (the post-PP 1017 edition)
1. Ayon sa isang kasabihan, alam ng isang magaling na mandirigma kung kailan ipagpapatuloy ang laban, o kung kailan mas mahalagang lumisan. Mabuti naman at binawi na ni GMA ang kanyang PP 1017 (nakapagtataka para sa kanya na magpalabas ng isang “Presidential Proclamation” gayong hindi pa nga nareresolba ang legitimacy ng kanyang pamamahala. Hmmm…); ngayon, puwede ko nang ipagpatuloy ang aking pagpuna sa mga mali sa kanyang pamamahala. At least bawas ang kabang ma-“inciting to sedition” ako dahil sa mga pinagsususulat ko. Bukod pa rito, hindi naman ako “well-known blogger” para magsilbing banta sa pamahalaan.
2. Nang minsang kumakain kami ni Yol sa caf, nakita ko yung issue ng “Newsweek” yata yun tungkol sa crackdown ng Chinese government sa mga blogger na lumalaban sa pamahalaan. Sa isang pahina, may picture yung isang lalaking blogger, at nasa baba ng larawan niya ang caption na siya ay isang “well-known blogger.” Nagsilbing palaisipan at joke sa amin ni Yol kung paano ba maituturing na “well-known blogger” ang isang, well, blogger. Sa dami ba ng nagko-comment sa kanyang entry? Sa dami ba ng kanyang mga naisulat o sa dalas niyang mag-update? Eh kahit sino puwedeng ipakilala ang sarili bilang sikat na blogger. Suffice it to say, maghapon niya malamang na nakagat ang kanyang dila nang araw na iyon.
3. Going back to my favorite topic. Hindi maipagkakailang sikat na sikat ang “Pinoy Big Brother.” Dahil dito, naglipana ang mga pirated na gamit base sa nasabing programa, mula sa mga DVD at VCD hanggang sa mga shirt na may logo ng programa. Dahil dito, nagbabala ang ABS-CBN at Endemol laban sa paggawa at pagtangkilik sa mga nabanggit na produkto. Eh magaling ang Pinoy, kaya pati ang PBB ay nagamit na bilang paraan ng protesta (John Fiske would be very proud). Maraming t-shirt na akong nakita na ang design na nakalagay, “GMA Pinoy Big Problem.” Baka mag-tag team eventually ang ABS at si GMA laban sa mga ganitong produkto, GMA with her usual anti-sedition tactics and ABS with their copyright infringement issue. Speaking of GMA as the “Pinoy Big Problem,” kung sa “PBB” laging inaabangan ang “eviction night,” gayon din ang pag-antabay ng Pinoy sa eviction niya which is long overdue. Kailan nga kaya?
4. Marami ang gustong magtiis na lamang kay GMA dahil anila, wala namang matinong papalit kung sakaling siya’y mapatalsik. Sa ganitong punto, mainam nating pag-isipan ang pahayag ni V, ang pangunahing tauhan sa pelikulang “V for Vendetta” nang tanungin siya ni Evey tungkol sa ibubunga ng nais niyang ilunsad na rebolusyon: “There’s no certainty, only opportunity.”
5. Bago ako ma-PP 1017 and/or General Order # 5 dahil sa nauna kong binanggit, break muna tayo. Joke na muna ang ibabahagi ko, and take note, nakuha ko lang ito sa text at hindi ako ang pasimuno, and it goes a little something like this:
“Sabi nila, suwerte raw kung may duwende sa bahay. Eh bakit sa Malacañang may duwende na, mahirap pa rin ang ‘Pinas?”
6. Nakakatawa ang dahilan sa pagdeklara noon ng State of National Emergency: may conspiracy raw sa pagitan ng oposisyon, militar at civil society para sa layuning destabilisasyon. Hello, buwang na bang talaga si “you-know-who”? Hindi ba’t ganung-ganun ang ginawa NIYA dati kay Erap, na lihim SIYANG nakipag-negosasyon sa mga kapwa NIYA sa oposisyon, militar at civil society para mapatalsik si wristband sa puwesto? Mabuti pa nga nung panahon ni Erap (not that I’m extolling his virtue, kung mayroon man, but I just have to give him credit kahit paano) nakapag-Edsa Dos pa tayo para lang mailuklok SIYA sa puwesto, eh SIYA, sa paggunita pa man din ng bansa sa unang People Power Revolution, ano ang ginawa NIYA? Astig talaga! Takot SIYA sa sarili NIYANG anino o multo; ayaw NIYANG maranasan ang pagtataksil na ginawa NIYA noon.
7. Dahil diyan, may alay akong awitin, halaw mula sa “Noypi” ng Bamboo. Ang pamagat “Praning,” and it goes a little something like this:
Tingnan mo, ang ‘yong paligid
Maraming nagrarally
Sa hirap ng buhay.
Kay rami naming problema,
Nakuha mo pang ngumiti,
Kapalmuks ka, astig.
Saan ka man naroroon
Wag kang matatakot
May power ang pulis
Dahil sa 1017!
“Hoy, Praning ako!
May duda aking loob
May kaba sa puso ko!
Hoy, Praning ako!
May kaba sa puso ko!”
Tinawagan ko si Garci
Nagbayad sa mga tao,
Makuha ko lang
Hinahangad kong boto
Ilang beses na kong muntikang mabuking
Pero alam kong gagawin
Kaya di kailangang umamin
Sabi nila nandaya raw ako
Pero sabi ko naman, ingat ka sedisyon yan!
“Hoy, Praning ako!
May duda aking loob
May kaba sa puso ko!
Hoy, Praning ako!
May kaba sa puso ko!”
Dinig mo ba ang sigaw ng bayan mo:
“Umalis ka na sa iyong puwesto!”
“Hoy, Praning ako!
May duda aking loob
May kaba sa puso ko!
Hoy, Praning ako!
May kaba sa puso ko!”
(Repeat hanggang tamaan ang dapat tamaan)
8. Matapos “mapigil” ang banta ng destabilisasyon na kasasangkutan umano ng militar, nagpahayag ang Palasyo na handa raw silang makipag-usap sa mga sundalo hinggil sa mga hinaing nila. Heto na naman po kami, dialogue na naman ang hinihingi. Hindi ba’t may naganap nang mga pag-uusap dati nang maresolba ang Oakwood Mutiny? May nangyari ba sa mga hinaing ng mga sundalong Magdalo? Ang mahirap kasi sa ating mga opisyal, magaling sa dada pero kulang na kulang sa gawa. Para bang uunlad ang bansa sa kanilang kasasalita. Tangna talaga, huo. Bakit kasi hindi pa remedyuhan ang mga inirereklamo o inireklamo na para wala nang pag-usapan pa?
9. May isa pang magandang punto si V sa nabanggit na pelikula. Aniya, sila rin mismong mga mamamayan ang may sala kaya napasailalim sa isang totalitarian rule ang kanilang bansa. Wala kasi silang ginawang hakbang para pigilan ang ascension sa kapangyarihan ng mapang-abusong pinuno. Ganun din tayo sa ating bansa, lalo na ang mga taong nananawagang “Let’s move on” at nagsasabing “GMA cheated, so what?” Patuloy na magpipista ang mga ganid sa kapangyarihan hanggang walang ginagawa ang mamamayan.
10. Quotable quotes from Madam herself: “I’m the best person to lead this country.” To WHERE, may we ask? To Hell? That seems to be the case nowadays. Which reminds me of another joke (again, sa text ko nakuha at hindi ako ang pasimuno) that goes a little something like this:
“A man dies and St. Peter asks him about his origins. When the man replies that he hails from the Philippines, St. Peter says: You may now enter heaven. You’ve been in hell long enough!”
11. Another quotable quote: “It is God’s plan that I am here.” Uhmm, ma’am, last time I checked it was clearly indicated in the Second Commandment that we are not supposed to take God’s name in vain. Perhaps if you said “Lord” instead of “God,” it would have been more acceptable, since there’s the “Lord of Darkness” to speak of, to whom you were obviously referring in your statement. Next time, be more specific, okay?
OR we may look at it from another angle. Perhaps you really were heaven sent, not as a blessing but as punishment for all the sins Filipinos have committed throughout the years. Hell, I’ll take you anytime instead of the more apocalyptic, ala-“Sodom and Gomorrah” and “The Day after Tomorrow” types of punishment the Man Upstairs is capable of dispensing. Given this perspective perhaps we can really thank Him for having you as this country’s “leader.”
12. Sa pagtatapos ng entry na ito, muli kong ipa-plug ang pelikulang “V for Vendetta.” Hindi man ito kasing ganda ng graphic novel ni Alan Moore, just the same may iniaalay itong mga bagong ideya hinggil sa pagbabago. Baka ito ang maging susi sa ating pagkamulat sa mga kahunghangang pinaggagagawa ng iilan sa ating bansa, para lamang sa kanilang kapakinabangan. Ayon nga kay V, “people should not be afraid of their government… governments should be afraid of their people.”
Nais ko ring pasalamatan ang aking mga sponsor, gaya ng Rexona extreme protection for men, Splash hairstyling gel, Clinique Happy for Men, WWE authentic shirts, atbp. Gusto ko ring pasalamatan ang mga minamahal ko sa buhay at ang mga manunulat na hinahangaan ko gaya nina Conrado de Quiros at Randy David; dahil sa kanila, hindi ako nawawalan ng pag-asang may patutunguhan pa ang bansa natin bukod sa impiyernong kinasasadlakan nito ngayon. May pag-asa pa basta mayroon tayong gagawin.

1 Comments:
wow! plugging ng pelikula na minaskarahan ng pagbatikos sa pangulo. tawagin natin itong "relevant advertising".
Post a Comment
<< Home