Friday, August 17, 2007

Tadong 'tado!

Nitong nakaraang Sabado, limang boksingero (Gerry PeƱalosa, Z Gorres, AJ "Bazooka" Banal, Diosdado Gabi, Michael Domingo) ang nagbigay karangalan sa bansa nang patumbahin nila ang mga kalabang Mexicano para mapanaluhan ang Boxing World Cup. Tanging si Rey "Boom Boom" Bautista ang nabigong manalo sa kanyang laban, subalit hindi siya dapat kamuhian dahil dito, bagkus karapat-dapat pa ring bigyang pagkilala ang kanyang katapangan sa pagsabak sa laban. Hindi yata biro ang itaya ang sariling kapakanan makapag-alay lang ng karangalan sa bansang mahal.

Ang problema, hindi ganito ang pagtingin ng Gobernador sa lugar nina Boom Boom. Dismayado ang opisyal na ito sa pagkatalo ng boksingero kaya hindi niya muna itutuloy ang ipinangako niyang pagpapasemento ng daan patungo sa bayan nina Bautista. Itutuloy na lang daw ang proyekto kung magiging kampeon na ang kanilang pambato. Dagdag pa ni Gob, hindi siya (si Bautista) dapat panghinaan ng loob dahil marami pang pagkakataon ang darating sa kanya.

Gago ka palang talaga e, matapos mong lakas loob na banggitin sa pahayagang gaya ng Inquirer ang plano mong huwag munang ipatupad ang isang proyekto dahil sa pagkatalo niya, saka mo sasabihing huwag panghinaan ng loob si Bautista! (Ang balita pa nga, pagdating dito ng mga boksingero sa bansa nahihiya raw bumaba ng eroplano si Bautista; marahil nalaman na niya ang tungkol sa mga pahayag ni Gob na nakadagdag sa nararamdaman niyang hiya)

Bakit ganon, Gob? Sino ka para magtakda ng naturang "batas"? Dapat bang maging ganito ang kaso, na ang pagpapatupad (o hindi) ng proyekto nakasalalay kung mananalo (o hindi) ang isang atleta? Kung oo, e dapat palang sumabak na kaming mga karaniwang mamamayan sa isports kung ang kapalit ng aming pagganap sa tungkulin (ang ialay ang sariling kapakanan, minsan nga pati buhay) ay ang pangakong (take note, pangako pa rin) gagampanan niyong mga politiko ang inyo namang mga tungkulin (ang pagsilbihan ang bayan). Ang mga gaya mo ang nagpapalala (kung may ilalala pa) sa imahe ng politika sa bansa.
Kung ganito lang din naman ang kaso, mauuna na akong magboluntaryo. At alam na alam ko kung sino ang una kong itatapon sa ring upang gulpihin.

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

pare, pangako, pag natalo ni pacquiao si barrera, tatapusin ko ang MA ko. promise yan.

12:05 PM  

Post a Comment

<< Home