Terror pala, ha
Ngayong tapos na ang summer class (at least para sa Fil 12 class ko), nais ko lang magsabi ng SALAMAT sa mga estudyante kong nakasama mula Abril hanggang Mayo. Nakapapagod man ang araw-araw na pagtuturo mula 9 am hanggang 430 pm, ang walang-hanggang consultation para sa mga papel, ang pagmamadaling makapagwasto at makapagbalik ng mga papel, ang ilang hakbang na kailangang gawin upang pumunta sa mga klaseng nasa magkakaibang gusali at palapag sa init o lamig man ng panahon, sulit naman ang lahat dahil sa impormasyon at tawanang pinagsaluhan natin sa bawat pagkikita. Sana naging sapat ang mga natutuhan natin mula sa isa't isa para sa mga susunod pang hamon ng buhay sa akademya na ating haharapin.
NAGPAPASALAMAT din ako kina Mathew, Chris at Spyke, mga minor in Capilos Studies (9 units na kasi kaming nagsama), dahil sa regalong ibinigay nila kahapon. Matapos ang 3-430 class ko, naghintay pa sila upang ibigay lang sa akin ang 2 DVD ng Golden Boy na anime, at isang CD na nang buksan ko, naglalaman ng mga kanta mula sa mga artist na inilista ko sa Friendster profile!!! Ang balak pa nga nila, irerecord daw sana nila ang "Gloria" kaya lang wala silang nahagilap na minus one ng "Narda." Maraming salamat talaga sa inyong pagsusumikap, kahit pa kabilang kayo sa mga klaseng nakaranas na matawag ni The Game na mga "zombie," "jabroni," "pangit," at masabihan ng "bumili muna kayo ng iodized salt." Muli, maraming maraming salamat. Astig!
Lastly, SALAMAT din sa mga naging estudyante ko ilang sem na o taon ang nakalipas subalit laging may handang ngiti at pagbati sa tuwing nakikita ako. Again, nakapapagod man ang 12 units ng pagtuturo para sa summer classes, naiibsan ang lahat ng pagod sa tuwing may tatawag ng pangalan ko, ngingiti, babati, mangungumusta, magbibiro, at kung ano-ano pang pagpapaalala sa akin na kahit paano, may mga estudyante rin naman palang nakaaalala sa kanilang mga guro. Para naman dun sa mga nagta-Tupperware lang sa pagbati o pagngiti (madali namang malaman, di ba?), SALAMAT din dahil kahit ilang segundo, naisip mong karapat-dapat akong pag-aksayahan ng iyong huwad na ngiti o pagbati.
Hanggang dito na lang muna, lilipad muna si The King of Kings sa Singapore para magpakitang gilas.

5 Comments:
nakalulungkot man isipin, napakabilis talagang lumipas ng panahon (haha! nalulungkot ba talaga ako na tapos na ang summer sem? ewan ko..)
maraming salamat din po sa inyo, G.Capilos. sadyang kay saya at makabuluhan ng nakaraang semestre. :)
hinding hindi ko po malilimutan ang pinya, and patatas, ang katipunan, ang isang baso ng melon (peace po!), ang silid sa tabi ng Rolado S. Tinio lib, ang hindi natuloy na squatter plan ng section E, ang napakahusay na proyekto ng isang natatanging senador, at lalong-lao na....
si ROBOCOP! :)
hehe! mag-iingat po kayo sa inyong biyahe. at muli, maraming salamat po ^_^
may nalimutan pala ako...
ang BASAHAN! :) hehehe!!
pakibisita po ang website (kuno) ng Antipara:
http://antipara.freespaces.com
(tama bang mag plug?!)
salamat po ^_^
Maraming salamat sa pagdaan, jez. good luck sa inyong lahat. at tama ka, sadyang mahirap talagang malimutan si robocop. : )
Sir! Nakaka-intimidate ngumiti kapag nakakasalubong po kita :/ Kaya sakaling magkasalubong po tayo, hello :D hehe
Labo.
Goodluck at maraming salamat din sa lahat ng masayang talakayan :)
sir, nahanap ko na sagot sa tanong mo dati sa amin: bakit maong ang tawag natin sa denim?
galing pala ito sa salitang Mahon isang port city sa Spain na kilala sa paggawa ng magaspang na telang ginagawang pantalon. :)
Post a Comment
<< Home