Friday, April 07, 2006

N for Novelty

Heto ang latest obra ni Maestro of Mayhem, ang "Gloria" (adapted from Kamikazee's "Narda"). Just think of The Game as Lito Camo with social awareness.

“Gloria”

Tila si Marcos kung umasta
Lumikha ng panic kami’y napatigil
Sa polisiyang nababalot ng hiwaga

Napapansin mo ba dami ng aming protesta
Ayaw na namin sa iyo
May pag-asa bang bumaba ka na?

Awit na nananawagan
Sana naman iyong pakinggan
Krisis na politikal
Sa patama na lang idaraan

Nagdarasal sa langit, dito sa lupa nagagalit
Parang awa mo na
Baba ka na Gloria

Ang malas nga naman namin
Ikaw kasi ang nagli-lead
Kung ako sa iyo
Bababa na lang ako

Napapansin mo ba dami ng aming protesta
Ayaw na namin sa iyo
May pag-asa bang bumaba ka na?

Awit na nananawagan
Sana naman iyong pakinggan
Krisis na politikal
Sa patama na lang idaraan

Nagdarasal sa langit, dito sa lupa nagagalit
Parang awa mo na
Baba ka na Gloria

Maglunsad kaya kami ng gulo
Para lang iyong pakinggan?
Ito ang tanging paraan
Para lumayas ka

Gagawin kaya, sa kapal ng iyong mukha
Kung yumayaman nga naman
May pag-asa bang lalayas ka pa?

Awit na nananawagan
Sana naman iyong pakinggan
Krisis na politikal
Sa patama na lang idaraan

Nagdarasal sa langit, dito sa lupa nagagalit
Parang awa mo na
Baba ka na Gloria


Ang balak ko sa susunod, "Salot" (from the BEP's "Bebot").

4 Comments:

Anonymous Anonymous said...

mahusay na awitin! maaari po ba naming marinig iyan sa aming klase? (LoL) :D

7:07 PM  
Blogger The Game said...

sige aawitin ko minsan. ihanda niyo lang ang plaque at pera bilang talent fee. salamat sa pagbasa.

12:32 PM  
Anonymous Anonymous said...

bosing, unang beses ko po nasilayan ang inyong blog site. natuwa po ako ng sobra-sobra sa lyrics ng awitin na inyong ginawa. tulad rin po sa nakasaad sa isang pang kumento dito, gusto ko rin po sana marinig ang awitin na ito sa ating klase. btw sir, mahilig din po ako sa wrestling. malupit talaga si Triple H

3:48 PM  
Blogger The Game said...

maraming salamat sa pagdaan, tagahanga.

12:30 PM  

Post a Comment

<< Home