Friday, March 24, 2006

030906

*Stealth Bummers, or Off the Radar*
(highlight from * to * to view the title. Trust me, may dahilan)

Sa akademya, may kasabihang “publish or perish.” Ayon naman sa isang matandang kasabihan (Chinese yata), kabilang ang “write a book” sa mga payo kung paanong matatamo ng isang indibidwal ang immortality. Nang matanggap ako sa Ateneo, halos ako lang pala ang karaniwang tao sa faculty; karamihan kasi, kung hindi lahat ng mga kasamahan ko, mga imortal na kung publikasyon at mga parangal ang pag-uusapan. Ang last time ko kasing naranasang mapublish ay nung elementary pa, dahil kasama ako sa staff ng school organ namin. Ang bad trip lang, hindi inilalagay ang pangalan ko sa byline! Para naman sa mga editorial cartoon at comic strip na ginawa ko, idinodrowing muli ng adviser namin bago i-publish. Kahit pa pangalan ko ang nakalagay, eh di parang hindi rin ako ang may gawa.

Sikat din ang mga co-faculty ko sa labas at loob ng Ateneo. Dahil dito, hindi maiwasang makadama ako ng “inferiority complex” (yup, maging si The Game, kahit napaka-unlikely, nakadarama rin nito paminsan-minsan) sa tuwing nakakasama ko sila mula sa isang simpleng handaan sa pamantasan, hanggang sa paglalakad-lakad sa campus patungo man sa cafeteria o pauwi na. Marahil nagtataka pa rin sila kung bakit tatlong taon na ako sa department, bihira pa rin akong nagsasasama sa kanila; hindi sa suplado ako, naiilang lang talaga. Halimbawa kasi, kasama nila akong naglalakad sa campus; sa tuwing may makikita silang dean o yung VP mismo o kung sino mang faculty ng ibang department, kilala agad sila at napakainit ng pagbati sa kanila, yun bang ang dating tila bagong pahid na liniment sa nananakit na kalamnan. “Hi Beni.” “Hello, Egay. “Uy, Mike, kumusta?” “Nice to see you, Vim, Jema.” Etc, etc, etc, ad infinitum. Para kasing sila lang yung tao ba. Hindi ako napapansin, maliban na lang siguro kung naghubad ako sa harap nila. (On second thought, baka hindi pa rin). Feeling ko isa akong multo o maligno, nakikisalamuha sa tao pero hindi naman, o bihirang, nakikita. Or for the more high tech approach, ang lupit ng stealth technology ng suot kong camouflage outfit; I don’t show up on any radar at all. Tiyak na kaiinggitan ako ni Q (he of the “James Bond” movie series fame) at ni Marshall (The resident techie guy of the TV show “Alias”).

Kahit pa ipakilala ako ng mga kasamahan ko sa kanilang mga kabatian, hindi naman naaalala ang pangalan ko. Halimbawa na lang, yung dean mismo namin. Ilang beses ko na siyang nakakasalubong at siyempre bumabati ako. May mga pagkakataong tinititigan niya ako nang matagal, siguro nagtataka kung sino ako at bakit ko siya kilala. Minsan naman, tango lang ang kanyang tugon. Madalas namang ngingiti lang siya nang bahagya at magpapatuloy na sa kanyang paglalakad, tila ba aksaya ng ilang segundo yung sandaling pagkilala sa pagmamagandang loob ko. Astig. May isang guro naman na ilang beses na akong nakapagpakilala mismo dati personally dahil kaibigan siya ng dati kong teacher sa UST, ang tawag sa akin hanggang ngayon, “Kulas.”

Kahapon, dumalo kami ni Yol sa Loyola Schools Publication Awards. Sa nasabing handaan, pinarangalan ang mga faculty member na nakapag-publish ng iba’t ibang artikulo sa mga scholarly journal, o ng mga aklat. Binigyang pagkilala rin maging ang mga nakatanggap ng research grant mula sa Loyola Schools. Last year, kuwento ni Yol, pumunta siya at napansin niyang siya lang pala ang walang nai-publish dun sa mga dumalo. This year, napag-isipan kong dumalo rin kahit wala pa akong naipa-publish na artikulo, hindi para samahan si Yol, kundi para magkaroon din ako ng ideya kung paano ba ang kalakaran pagdating ng panahong isa na ako sa pararangalan (oo na, aaminin ko na. Dahil din sa pagkain; balita ko masarap daw ang inihahain sa nabanggit na event).

Sumabay kami sa mga co-faculty namin papunta dun sa CTC-201. Nang mga oras na yun, marahil nanabik silang lahat sa premyong makakamit nila (or, puwede ring ang nasa isip nila, “na naman” kasi sobrang sanay na silang tumanggap ng premyo at pagkilala para sa kanilang mga gawa); ako naman, isang bagay lang ang iniisip ko nang mga oras na yun: masarap nga kaya ang mga pagkaing inihanda?

Pagdating sa kuwarto, puno na ang isang roundtable kaya sa katabing mesa na lang kami umupo; pinagitnaan namin ni Yol si Ma’am Beni. Okay, so kuwentuhan ang nangyari (maiiwasan ba ito sa tuwing kasama ang mother figure namin sa Kagawaran?) habang tinatawag ang mga awardee mula sa ibang Kagawaran. Nagbilang din si Ma’am kung ilang guro ba ang pararangalan sa ibang mga department, dahil aniya, sa department namin yung pinakamaraming tatanggap ng pagkilala. Ilang ulit din kaming napalingon sa likod dahil sa ingay sa isang mesa, tila ba pag-aalburuto ng water pump habang hinihigop nito ang kakaunting tubig sa mga tubo dulot ng kakulangan ng rasyon. Si ma’am ang nagsabing iyon pala ang choco fondue. (Okay, tao lang. Malay ko ba? Ni hindi ko nga napanood ang “Charlie and the Chocolate Factory,” maging ang original nito.)

Dumating na ang oras para kilalanin ang mga magaling naming co-faculty. Isa-isa silang tinawag. Tumayo sila at nagpunta sa harap. Ang naiwan lang na nakaupo sa puwesto namin, si Yol. Yup, kinailangan ko ring tumayo, kaya lang hindi para tumanggap ng award kundi para kunan ng litrato ang mga co-faculty ko na nakatanggap ng pagkilala.

Ilang sandali pagkabalik nila sa mesa namin, nagsimula na rin ang kainan. Suffice it to say, naging sapat ang lasa ng mga handa para maibsan kahit paano ang inferiority complex ko. Marahil si Yol na ang may pinaka-tumpak na paglalarawan sa dami at kalidad ng pagkain noong gabing iyon, nang kanyang sambitin habang kumakain, “feeling ko ang yaman ko.”

Hindi ko man kinailangang tumayo para tumanggap ng award, sinulit ko na lang sa pagtayo para kumuha ng ilang serving. Matapos ang mabigat-bigat na hapunan, nag-ilang ulit akong nagpabalik-balik dun sa choco fondue. Dahil hindi ko siya kilala dati, I took time to know it better, with the help of a few marshmallows and strawberry slices. Astig. Feeling ko tuloy noon, isa ako dun sa mga batang isinama ni Willy Wonka sa kanyang Chocolate Factory.

Habang kumakain ako ng dessert, umupo sa tabi ko si Doc Leo, ang dean namin, at nakipagkuwentuhan siya kay Ma’am Beni tungkol sa mga bagay-bagay. Eventually napadpad ang usapan sa pamamasyal sa ibang lugar (take note, bansa at hindi probinsiya sa Filipinas ang kanilang topic). Nabanggit ni Doc Leo na balak niyang pumunta sa Greece this summer, at si Ma’am Beni naman nai-suggest ang Russia. Sa pagbanggit pa lang ni Doc ng plano niya, muntik ko nang maibuga ang iniinom kong tubig dahil sa pagpigil sa tawa! Sige pa rin sila sa pagkukuwentuhan habang kami naman ni Yol, nagngingitian na lang. Nang mga sandaling iyon kasi, invisible na naman kami, tila wala kami dun sa mesa kasama nila; para bang nasa Greece o Russia kami sa layo.

Pabalik sa department, tawa na naman kami nang tawa sa mga nangyari. Kanya-kanya kaming hirit laban sa bawat isa, na kesyo hindi kami sikat at hindi kami published. Si Yol ang palusot niya part-time siya kaya hindi naman ganon kabigat ang kahingiang makapag-publish. Pucha, talo ako dun ah. Sabi ko na lang, first year ko pa lang naman bilang full-time faculty; hahabol pa ako eventually. Matapos ang gabing iyon, lagi na kaming naghihiritan tungkol sa aming “unpublished status.” Sa tuwing may pinupunang writer o article, “Ang yabang mo. Published ka ba?” Sa tuwing may pinagtatawanang tao, “Ang yabang mo. Published ka ba?” Sa tuwing lalaitin ang isang programa sa TV o maging ang lasa ng pagkain sa cafeteria, “Ang yabang mo. Published ka ba?”

Since then, it has become a running joke for us. And as they always say, jokes are always half-meant.

Thursday, March 16, 2006

Samutsari (the post-PP 1017 edition)

1. Ayon sa isang kasabihan, alam ng isang magaling na mandirigma kung kailan ipagpapatuloy ang laban, o kung kailan mas mahalagang lumisan. Mabuti naman at binawi na ni GMA ang kanyang PP 1017 (nakapagtataka para sa kanya na magpalabas ng isang “Presidential Proclamation” gayong hindi pa nga nareresolba ang legitimacy ng kanyang pamamahala. Hmmm…); ngayon, puwede ko nang ipagpatuloy ang aking pagpuna sa mga mali sa kanyang pamamahala. At least bawas ang kabang ma-“inciting to sedition” ako dahil sa mga pinagsususulat ko. Bukod pa rito, hindi naman ako “well-known blogger” para magsilbing banta sa pamahalaan.

2. Nang minsang kumakain kami ni Yol sa caf, nakita ko yung issue ng “Newsweek” yata yun tungkol sa crackdown ng Chinese government sa mga blogger na lumalaban sa pamahalaan. Sa isang pahina, may picture yung isang lalaking blogger, at nasa baba ng larawan niya ang caption na siya ay isang “well-known blogger.” Nagsilbing palaisipan at joke sa amin ni Yol kung paano ba maituturing na “well-known blogger” ang isang, well, blogger. Sa dami ba ng nagko-comment sa kanyang entry? Sa dami ba ng kanyang mga naisulat o sa dalas niyang mag-update? Eh kahit sino puwedeng ipakilala ang sarili bilang sikat na blogger. Suffice it to say, maghapon niya malamang na nakagat ang kanyang dila nang araw na iyon.

3. Going back to my favorite topic. Hindi maipagkakailang sikat na sikat ang “Pinoy Big Brother.” Dahil dito, naglipana ang mga pirated na gamit base sa nasabing programa, mula sa mga DVD at VCD hanggang sa mga shirt na may logo ng programa. Dahil dito, nagbabala ang ABS-CBN at Endemol laban sa paggawa at pagtangkilik sa mga nabanggit na produkto. Eh magaling ang Pinoy, kaya pati ang PBB ay nagamit na bilang paraan ng protesta (John Fiske would be very proud). Maraming t-shirt na akong nakita na ang design na nakalagay, “GMA Pinoy Big Problem.” Baka mag-tag team eventually ang ABS at si GMA laban sa mga ganitong produkto, GMA with her usual anti-sedition tactics and ABS with their copyright infringement issue. Speaking of GMA as the “Pinoy Big Problem,” kung sa “PBB” laging inaabangan ang “eviction night,” gayon din ang pag-antabay ng Pinoy sa eviction niya which is long overdue. Kailan nga kaya?

4. Marami ang gustong magtiis na lamang kay GMA dahil anila, wala namang matinong papalit kung sakaling siya’y mapatalsik. Sa ganitong punto, mainam nating pag-isipan ang pahayag ni V, ang pangunahing tauhan sa pelikulang “V for Vendetta” nang tanungin siya ni Evey tungkol sa ibubunga ng nais niyang ilunsad na rebolusyon: “There’s no certainty, only opportunity.”

5. Bago ako ma-PP 1017 and/or General Order # 5 dahil sa nauna kong binanggit, break muna tayo. Joke na muna ang ibabahagi ko, and take note, nakuha ko lang ito sa text at hindi ako ang pasimuno, and it goes a little something like this:

“Sabi nila, suwerte raw kung may duwende sa bahay. Eh bakit sa Malacañang may duwende na, mahirap pa rin ang ‘Pinas?”

6. Nakakatawa ang dahilan sa pagdeklara noon ng State of National Emergency: may conspiracy raw sa pagitan ng oposisyon, militar at civil society para sa layuning destabilisasyon. Hello, buwang na bang talaga si “you-know-who”? Hindi ba’t ganung-ganun ang ginawa NIYA dati kay Erap, na lihim SIYANG nakipag-negosasyon sa mga kapwa NIYA sa oposisyon, militar at civil society para mapatalsik si wristband sa puwesto? Mabuti pa nga nung panahon ni Erap (not that I’m extolling his virtue, kung mayroon man, but I just have to give him credit kahit paano) nakapag-Edsa Dos pa tayo para lang mailuklok SIYA sa puwesto, eh SIYA, sa paggunita pa man din ng bansa sa unang People Power Revolution, ano ang ginawa NIYA? Astig talaga! Takot SIYA sa sarili NIYANG anino o multo; ayaw NIYANG maranasan ang pagtataksil na ginawa NIYA noon.

7. Dahil diyan, may alay akong awitin, halaw mula sa “Noypi” ng Bamboo. Ang pamagat “Praning,” and it goes a little something like this:

Tingnan mo, ang ‘yong paligid
Maraming nagrarally
Sa hirap ng buhay.
Kay rami naming problema,
Nakuha mo pang ngumiti,
Kapalmuks ka, astig.

Saan ka man naroroon
Wag kang matatakot
May power ang pulis
Dahil sa 1017!

“Hoy, Praning ako!
May duda aking loob
May kaba sa puso ko!
Hoy, Praning ako!
May kaba sa puso ko!”

Tinawagan ko si Garci
Nagbayad sa mga tao,
Makuha ko lang
Hinahangad kong boto
Ilang beses na kong muntikang mabuking
Pero alam kong gagawin
Kaya di kailangang umamin

Sabi nila nandaya raw ako
Pero sabi ko naman, ingat ka sedisyon yan!

“Hoy, Praning ako!
May duda aking loob
May kaba sa puso ko!
Hoy, Praning ako!
May kaba sa puso ko!”

Dinig mo ba ang sigaw ng bayan mo:
“Umalis ka na sa iyong puwesto!”

“Hoy, Praning ako!
May duda aking loob
May kaba sa puso ko!
Hoy, Praning ako!
May kaba sa puso ko!”

(Repeat hanggang tamaan ang dapat tamaan)

8. Matapos “mapigil” ang banta ng destabilisasyon na kasasangkutan umano ng militar, nagpahayag ang Palasyo na handa raw silang makipag-usap sa mga sundalo hinggil sa mga hinaing nila. Heto na naman po kami, dialogue na naman ang hinihingi. Hindi ba’t may naganap nang mga pag-uusap dati nang maresolba ang Oakwood Mutiny? May nangyari ba sa mga hinaing ng mga sundalong Magdalo? Ang mahirap kasi sa ating mga opisyal, magaling sa dada pero kulang na kulang sa gawa. Para bang uunlad ang bansa sa kanilang kasasalita. Tangna talaga, huo. Bakit kasi hindi pa remedyuhan ang mga inirereklamo o inireklamo na para wala nang pag-usapan pa?

9. May isa pang magandang punto si V sa nabanggit na pelikula. Aniya, sila rin mismong mga mamamayan ang may sala kaya napasailalim sa isang totalitarian rule ang kanilang bansa. Wala kasi silang ginawang hakbang para pigilan ang ascension sa kapangyarihan ng mapang-abusong pinuno. Ganun din tayo sa ating bansa, lalo na ang mga taong nananawagang “Let’s move on” at nagsasabing “GMA cheated, so what?” Patuloy na magpipista ang mga ganid sa kapangyarihan hanggang walang ginagawa ang mamamayan.

10. Quotable quotes from Madam herself: “I’m the best person to lead this country.” To WHERE, may we ask? To Hell? That seems to be the case nowadays. Which reminds me of another joke (again, sa text ko nakuha at hindi ako ang pasimuno) that goes a little something like this:

“A man dies and St. Peter asks him about his origins. When the man replies that he hails from the Philippines, St. Peter says: You may now enter heaven. You’ve been in hell long enough!”

11. Another quotable quote: “It is God’s plan that I am here.” Uhmm, ma’am, last time I checked it was clearly indicated in the Second Commandment that we are not supposed to take God’s name in vain. Perhaps if you said “Lord” instead of “God,” it would have been more acceptable, since there’s the “Lord of Darkness” to speak of, to whom you were obviously referring in your statement. Next time, be more specific, okay?

OR we may look at it from another angle. Perhaps you really were heaven sent, not as a blessing but as punishment for all the sins Filipinos have committed throughout the years. Hell, I’ll take you anytime instead of the more apocalyptic, ala-“Sodom and Gomorrah” and “The Day after Tomorrow” types of punishment the Man Upstairs is capable of dispensing. Given this perspective perhaps we can really thank Him for having you as this country’s “leader.”

12. Sa pagtatapos ng entry na ito, muli kong ipa-plug ang pelikulang “V for Vendetta.” Hindi man ito kasing ganda ng graphic novel ni Alan Moore, just the same may iniaalay itong mga bagong ideya hinggil sa pagbabago. Baka ito ang maging susi sa ating pagkamulat sa mga kahunghangang pinaggagagawa ng iilan sa ating bansa, para lamang sa kanilang kapakinabangan. Ayon nga kay V, “people should not be afraid of their government… governments should be afraid of their people.”

Nais ko ring pasalamatan ang aking mga sponsor, gaya ng Rexona extreme protection for men, Splash hairstyling gel, Clinique Happy for Men, WWE authentic shirts, atbp. Gusto ko ring pasalamatan ang mga minamahal ko sa buhay at ang mga manunulat na hinahangaan ko gaya nina Conrado de Quiros at Randy David; dahil sa kanila, hindi ako nawawalan ng pag-asang may patutunguhan pa ang bansa natin bukod sa impiyernong kinasasadlakan nito ngayon. May pag-asa pa basta mayroon tayong gagawin.

Tuesday, March 14, 2006


V is for Wednesday

Wala lang, excited lang ako masyado sa "V for Vendetta" para bukas. Tandaan, showing na ang nasabing pelikula bukas. Nood na.

BTW, ganda sana ng sinasabi sa wallpaper na ito, mula sa website ng DC Comics. "Ideas are bulletproof." Too bad the people who express ideas are not.

Tuesday, March 07, 2006

Pengeng raket... please?


Baka naman kailangan niyo ang serbisyo ko, pahingi naman ng raket diyan oh. please? (marunong din akong sumayaw, at may costume ako ni Batman, if you're into these things)

Saturday, March 04, 2006

Sta. Lucia Smackdown!

VENUE: Sta. Lucia East Grand Mall in Cainta, Rizal: the way between the old building along Marcos highway to the new one, along Felix (formerly Imelda) Avenue
DATE: March 03 2006
TIME: 7:00 PM

Ladies and Gentlemen, boys and girls, children of all ages, Sta. Lucia mall together with Infidelity Productions, shamefully bring to you the grudge match between Hell hath or Double H*(short for “Hell hath no fury than a woman betrayed”) and her philandering husband, Don Juan* with his paramour, Morgana*. This fight is a no disqualification bout; both combatants are allowed to use whatever technique or weapon in trying to maim one another. I’m your host for this evening, Quinito Kintanar, and I’ll give you a blow-by-blow account of this impromptu bout. As ring announcer Michael Buffer would say, or rather shout, “Leeeeeeet's get ready to rumbleeeee!”

DJ and Morgana are strolling in the mall, oblivious to their surroundings. They would have remained in their blissful surrender to one another’s presence if not for the howls of madness coming from a distance. Suddenly, Double H ambushes DJ from behind with a flurry of lefts and rights! Oh my God!!! Double H repeatedly slams her fists in the face of the stunned DJ! I would never want to be in DJ’s shoes right now! DJ tries to dodge Double H’s blows, but her faux Louis Vuitton bag lands smack in his face and back! Hell hath shouts almost every known expletive in the dictionary as she unleashes her fury!

Moving on impulse, DJ moves in front of Morgana to spare her from Double H’s blows. He was unsuccessful, however, as the wronged woman pushes him aside and strikes Morgana with the same intensity as she did her unfaithful man! Holy sh*t! That scratch to the face surely hurts as hell, and will definitely leave a mark! Ooohhh! Look at that bag buckle hit Morgana’s lips! Boy oh boy, when this fight is over, DJ would certainly receive no goodnight kiss from this gal!

Ladies and gentlemen, Double H has been on the offensive since the start of this bout; so far, both DJ and Morgana have done nothing to retaliate! Is it because of guilt, having been caught in flagrante delicto, or are they both ashamed of striking back when in fact they have wronged Hell hath in the first place? Whatever their reasons are, they surely are the losers of this match even if a pin or a knockout has not yet been registered; they have suffered greatly with Hell hath’s arsenal of both physical and verbal assaults, of fists and expletives combined. In the audience’s opinions, they have lost this fight long before it has even started.

The crowd is surely enjoying this bout. Some have even placed bets on their respective picks. Just as the people are starting to thicken, something stirs from afar… sounds of hurried feet, followed by a frantic blowing of whistles. Could it be…? Holy crap! This match is to end in a no contest as the Sta. Lucia security guards burst from the crowd and apprehend the involved parties!!! With some semblance of peace restored, they instruct everyone, including yours truly, to immediately leave the area as the show is over. The people grumble as they reluctantly leave the improvised arena, discontented with the outcome.

The match is surely over, but the fight has only begun for Hell hath, Don Juan and Morgana. As the guards escort them away from our prying eyes, I have to declare Double H as the winner of this bout.

Join us again next time for another exciting impromptu match wherever it may erupt. Once again, I’m Quinito Kintanar, now signing off.




* Not their real names; c’mon, they have suffered enough humiliation fighting in public because of the man’s infidelity; do you think that they would have wanted to aggravate matters by informing the viewing public of their names? (“Hayop ka, Jose Pilar, 32, ng Cainta! Dalawang anak ang iniwan mo sa’kin, ngayon ipagpapalit mo lang ako sa kerida mong ‘yan! “Huminahon ka, Marietta Pilar, 31, ng Cainta! Mali ang iyong inaakala! Tama na, Marietta, tama na! Kaibigan ko lang si Eva, 23, ng Pandacan!”)