Nakakatawang nakakainis ang balita noong isang linggo. Buong yabang na binalaan ni Bayani Fernando ang DPWH na huwag gagalawin ang kanyang mga tarpaulin. May silbi daw ang mga ito, ang pagpapaalala sa mamamayan sa kahalagahan ng disiplina. Hindi raw ito maagang pangangampanya (KAHIT PA ngayon pa lang lagi't lagi niyang iginigiit sa taumbayan at sa Malakanyang ang desisyon niyang pagtakbo sa 2010), gaya ng pag-aakusa ng kanyang kritiko, dahil HINDI NAMAN DAW SIYA NAKANGITI.
Gago.
Idagdag pa natin sa listahan ng mga kalokohan ni BF ang napakaraming U-turn na gagawin at kapag nakasanayan na isasara upang gumawa ng mga bago (gaya ng ginawa niya sa Katipunan at Commonwealth Avenues), mga footbridge na mukhang siya rin ang kontraktor (hindi ko sinasabing sigurado ako, pero hindi ba't may BF Steel Corporation siya, ayon nga naman sa mga flyer niyang ipinamumudmod sa tuwing may speaking engagement siya), ang patuloy na pagpapalawak ng mga lansangan (na mukhang hindi para LANG sa pagpapabilis ng trapik kundi lalo na para sa pagtatayo ng maraming, marami pang footbridge), ang di-makataong pagtataboy sa mga sidewalk vendor at ang pangunguha ng kanilang mga paninda (na kinondena na mismo ng head ng CHR bilang PAGNANAKAW), ang pagiging preso ng buong lungsod dahil sa kanyang mga pink fence, at marami pang iba, at tiyak na malinaw na sa ating lahat kung ano ang dapat nating asahan kung sakaling tumakbo nga't manalo (HUWAG NAMAN SANA) ang hunghang na ito (sabi nga ng isang kaibigan, baka sa susunod pati barko't eroplano mayroon na ring mga U-turn slot!).
Bilang pagkilala sa katigasan ng ulo't kakapalan ng mukha ni BF, iniaalay ko ang kantang ito, "Bobo na Bayani," mula sa "Ba-ba-ba Bayani" ng The Youth. And it goes a little something like this...
Bobo na Bayani (mula sa Ba-ba-ba Bayani ng The Youth)
May tarpaulin sa kanto
Akala mo ay guwapo
Gustong maging pangulo
Kaya nagpapaguwapo
Kunwa disiplinado
Bobo na Bayani
Laging nagpapapogi
Yan ang yong patunay
Marka marka marka marka ng bobo na Bayani
Na may ambisyon
Ang bobo na Bayani
Tanong mo pa sa vendor
Hilig ay sidewalk cleaning
U-turn at mga footbridge
Lahat sinusuway
Ang dapat kamuhian
Itong bobo na Bayani!
Chorus:
Bobo na Bayani
Laging nagpapapogi
Yan ang yong patunay
Marka marka marka marka ng bobo na Bayani
Na may ambisyon
Ang bobo na Bayani
Wala siyang monumento
Tarpaulin ang marami
Sindami ng footbridge
Mukhang siya rin kontraktor
Pag siya ang dumiskarte
Buong bayan ang yari!
Sunod lahat ng luho
Kahit maraming reklamo
Tuloy pa rin ang gusto
Lahat kamuhi-muhi
Dahil sa araw-araw
May bobo na Bayani!
Labels: BF, Metro Guwapo, MMDA
0 Comments:
Post a Comment
<< Home