Monday, October 15, 2007

Konting sundot lang

Kaibigan, kumusta? Kung nababasa mo ito, salamat at dumaan ka; medyo matagal na ring walang naipaskil na bago sa dami ng ginagawa. Sa dami ng nangyari sa pagitan ng huli kong entry at ngayon (kabilang na ang hirap ng pag-aayos para sa napipintong kasal, ang pakikipagsapalaran ko sa Fitness First at ang pagkamatay ng pinakamamahal naming aso na si Chu Chu, as always si pekeng Pangulo na naman ang dahilan kaya ako muling nagsusulat, gaano man kaikli. Biruin mo, sinong pangulo ang walang gagawin matapos sabihan ng isang miyembro ng gabinete na may isang opisyal din na nanunuhol sa kanya ng P200 milyon para lamang suportahan ang kontrobersiyal na NBN deal? Sinong pangulo ang mag-oorganisa ng pagsasampa ng napakahinang reklamo ng impeachment laban sa kanyang sarili para lamang makaligtas siya mula sa iba pang kaso ng impeachment na tiyak mas mabigat at mas matibay ang mga ebidensiya? Sinong pangulo ang buong tapang na mananawagan sa pamahalaan ng Burma na igalang ang karapatang pantao at kilalanin ang hinaing ng mga mamamayan, gayong sa Filipinas may pseudo-diktatoryal na pamamahala, patunay na rito ang dumaraming bilang ng mga nawawala o pinapatay na mamamahayag? Sinong pangulo ang magpapamudmod ng pera sa mga lokal na opisyal sa isang pulong, tulong umano para sa darating na halalan para sa mga puwestong pambarangay at pang-Sangguniang Kabataan? Sinong pangulo ang muling bubuhay sa issue ng Charter change sa kabila ng init ng isyu tungkol sa nasabing pamumudmod ng pera? Tanging ang pekeng Pangulo lang ang makagagawa ng mga nabanggit, manatili lamang sa puwesto. Tindi mo tol! kailan kaya lalaya ang Palasyo mula sa impluwensiya mong halimaw ka?

Saka na uli ang kuwentong matino-tino, Kaibigan, kung nais mong mabasa. Ingat ka.

5 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Jelson, kaninong kasal ang iyong pinaghahandaan? Kasal mo na ba ito? Kailan naman ito gaganapin? Kung gayon, good luck sa panibagong gulo..este buhay na tatahakin niyo ni Hya. Best wishes sa inyong dalawa. Nawa'y patnubayan kayo ng Diyos. :)

12:54 AM  
Blogger The Game said...

kung sino ka man chongparedudemanbro, salamat nang marami. pakilala ka naman nang tayo'y makapagkuwentuhan.

1:36 PM  
Anonymous Anonymous said...

sir,ikakasal ka na?ayos ah.goodluck

8:00 PM  
Blogger The Game said...

kay anonymous:

oo. salamat sa pagbati. : )

12:15 AM  
Anonymous Anonymous said...

YEHES NAMAN SIR! CONGRATS! :)

8:56 PM  

Post a Comment

<< Home