Wednesday, September 21, 2005
Tuesday, September 20, 2005
Students' Enemy Number 1
Students' Enemy Number One
September 16, 2005
Simula pa lamang ng unang semestre ng taong ito, puro na reklamo ang kapatid kong bunso, si Jenny Anne, tungkol sa kanyang mga guro. Paano ba naman, noong mga unang linggo ng pagkikita, hindi nagpakilala ang mga nasabing titser, hanggang sa umabot na ngayong Septiyembre. Wala silang ideya kung ano ba ang pangalan ng mga taong tinatawag lamang nilang "Sir" at "Ma'am," o kung tunay nga bang guro ang mga ito.
Bukod pa riyan, bihira ring pumapasok ang ilan sa mga guro nila. Tuwang-tuwa naman sila dahil may pagkakataon silang gumala sa kung saan saan. Kung may pumapasok man, sadyang nagpapagawa ng mga proyektong walang kaugnayan sa subject.
Case in point: ang teacher nila sa Filipino. Doktor na lalaki raw, at hanggang ngayon hindi pa nila alam ang pangalan. Ang subject nila, Sining ng Pakikipagtalastasan, ang subject ding itinuturo ko. Sa tuwing tatanungin ko ang kapatid ko kung ano na ang pinag-aaralan nila, ang lagi niyang sagot, ewan. Sa tuwing tatanungin ko kung bakit, ang sabi niya wala naman daw kasing itinuturo ang guro, nagpapareport lang nang nagpapareport sa kanila ng kung anu-anong paksa.
Bukod pa rito, may guro raw na hindi nagbabalik ng kanilang mga proyekto, kaya hindi nila alam ang markang nakukuha nila. At sa gawain niyang ito, kay lakas ng loob ng hinayupak na itong magbigay ng markang 6,samantalang 5 na ang pinakamababang marka, ergo bagsak, na maaaring makuha ng isang Tomasino! Sabi ko nga kay Jenny huwag lang siyang magkakamaling gawin ito sa kanya, kundi talagang haharapin ko siya sa UST mismo.
Masakit sa loob ko ang mga ganitong sitwasyon. Una sa lahat, guro rin ako. Hindi ko sinasabing ubod ako ng galing at sipag sa napili kong propesyon, ngunit mapangangatwiranan kong ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya upang tugunan ang kahingian ng aking trabaho. Nag-aaral ako hindi lamang para sa sarili kong pag-unlad sa akademya, kundi para maging mas maalam din ako at karapat-dapat na magbahagi ng kaalaman sa mga estudyante.
Ikalawa, inutang ko ang pang-tuition ng kapatid ko eh. tumataginting na P35K ang hiniram ko para lamang makatuntong sa first year college ang utol ko. siyempre naman gusto ko sulit ang ibinayad namin, dahil hanggang ngayon P500 pa lang ang naihuhulog ko sa hiniram kong halaga, at matatapos na ang first sem!
Nakakaawa rin ang aking kapatid dahil lagi siyang puyat para lamang matapos ang proyektong nakatakdang ipasa sa susunod na araw. Magdamag siyang nakayuko sa kanyang drawing table, pinagsusumikapang palamutian ng dibuho at kulay ang walang buhay na piraso ng karton. Hindi siya natutulog nang hindi tapos ang gawain, kahit pa ilan na kaming nangungumbinsi sa kanya. Ang masaklap lang pagdating ng kinabukasan, muli niyang iuuwi ang pagkalaki-laking piraso ng illustration board dahil (you guessed it right) hindi na naman pumasok ang guro. Ilang araw niya itong naranasan na tila isang bangungot na patuloy na nambubulabog.
Sabi ng utol ko, may nagpaliwanag daw sa kanila minsan kung bakit hindi pumapasok ang kanilang mga titser. Karamihan daw sa mga ito ay rumaraket, meaning may ibang trabaho, na sadyang mataas ang kaukulang bayad kung ihahambing sa nakukuha nila sa UST.
Anak ng puta! Valid reason na pala iyon para huwag nang pumasok sa paaralan kahit pa naghihintay (gusto kong isiping may mangilan-ngilan pa rin namang nanghihinayang sa oras, pera at kaalamang nasasayang sa tuwing wala ang guro) ang mga estudyante. Ang sabi ko naman, eh di magresign na sila sa pagtuturo at i-full time na lamang ang kanilang ibang trabaho! Tangna, kami rin naman dito sa AdMU, bilang part-time may kaliitan ang sahod. Noong nakaraang semestre nga, naranasan kong tumanggap ng hindi tataas sa P1,500 kada kinsenas, dahil 6 units lang ako sa pagtuturo, at may salary deduction pa para sa 6 units na M.A. subjects. May raket din ako, pero hindi ko pinabayaan ang pagtuturo. Dahil sarili kong pasya ang maghanap ng ibang pagkakakitaan kasabay ng pag-aaral at pagtuturo, ako na mismo ang humanap ng paraan kung paano pagkakasyahin ang aking oras nang hangga't maaari walang isinasakripisyong gawain.
Kagabi, as always alas-2 na ng umaga natulog si Jenny dahil may proyektong kailangang ipasa kaninang umaga. Dahil alas-4 siya ginigising, 2 oras na lamang ang itinulog ng kawawa kong kapatid para lamang matapos ang kanyang ginagawa. Kaninang hapon, dala-dala na naman niya ang illustration board na kagabi lamang ay pinagpuyatan niya sa pagkukulay at pagdidibuho. Hindi na naman daw pumasok ang kanilang guro. Lagi na lang na tuwing may proyektong dapat ipasa, hindi pumapasok ang kanilang mga guro. Tila raw sinasadya upang bigyan pa sila ng panahon para sa kanilang mga gawain.
Umupo siyang muli at nagtrabaho sa kanyang drawing table, habang ipinalalabas sa commercial ng GMA 7 ang feature ng Emergency mamayang gabi, tungkol sa Dequervain's Disease, o ang sakit na naidudulot ng madalas na paggamit ng mga kamay.

Hindi ito Procrastination
Ipagpaumanhin ang kakulangan ng mga bagong entries, peeps. Marami lang talagang ginagawa.
Thursday, September 08, 2005
Today: Baguio, Tomorrow: The World
Kagabi ako nakabalik sa Maynila mula sa tatlong araw ng pananatili sa Baguio bilang tagapagsalita (ahem, ahem) sa Grade School Convention ng Children's Museum and Library, Inc. Saka na ang kuwento mga peeps.
Thursday, September 01, 2005
Gusto mo ng pagbabago?
August 31, 2005
(Basahin habang pilit na inaalala ang theme song ng cartoons na “Captain Planet and the Planeteers”)
Kaninang hapon, tinawagan ko ang numerong puwedeng pagsumbungan tungkol sa paggamit ng mga sasakyang pampamahalaan para sa personal na kapakinabangan ng iilan. Lalaki ang sumagot sa kabilang linya, at bakas naman sa kanyang tinig na handa siyang tumulong at makinig. Inilista niya ang ibinigay ko sa kanyang mga plate number. Ipinaalala rin niyang nararapat isumbong sa kanilang tanggapan ang mga sasakyang may pulang plaka na ginagamit tuwing Sabado at Linggo, o di kaya’y lampas sa alas-5 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes.
Itinanong ko sa kanya kung puwede rin bang magsumbong tungkol sa mga smoke belcher. Sabi niya, puwede raw. Maaari ring ipaalam sa kanila ang mga sasakyang gumagamit ng mga blinker at sirena, o mas kilala sa tawag na “wang wang.”
Bago namin ibinaba ang telepono, Itinanong ko kung puwedeng sa e-mail ko na lang ipadala ang listahan ko ng mga smoke belcher, dahil parang nakapapagod nga naman para sa aming dalawa kung ididikta ko pa sa telepono. Ibinigay na lamang niya ang fax number na maaaring padalhan ng listahan: 7361010.
Mga peeps, panahon na para kumilos. Hindi ko alam kung bumibiyahe kang laging naka-aircon kaya hindi mo napapansin ang karaniwang problemang kinakaharap ng mga ordinaryong commuter, pero marapat nating isiping pare-pareho tayong lumalanghap ng hangin ng lunsod. In one way or another, nilalason ka na rin ng iyong sinasagap na hangin. Please, kailangan ko ng tulong. Kaya ko naisip gawin ito hindi lamang para sa atin sa kasalukuyan, kundi sa mga susunod pang mananahan sa bansang mahal natin. Hindi ko alam sa inyo, pero nangangarap ako at kumikilos upang matiyak na may masasagap pang malinis na hangin ang mga guwapo at magandang anak ko sa hinaharap.

Ganito ako Noon, Ganito pa rin Ngayon
August 29, 2005
Bilang paggunita sa Pambansang Araw ng mga Bayani, narito ang isang sanaysay na isinulat ko noong third year college, para sa subject na Creative Writing.
HERO
Like any children, the early part of my childhood years was shaped primarily by the things that I used to watch then, TV and the movies being powerful and influential media. As an avid fan of shows such as American imports Mission Impossible, Batman the series (no matter how campy and colorful it was), and the Japanese sentai Shaider, Bioman, with movies like the James Bond series, I dreamed that I was in their league, sporting those nifty outfits, possessed of powers no ordinary mortal has, or having a wide array of cool gadgets at my disposal. But more than these things, what kept me glued to the boob tube was the fact that these heroes were no different from you and me, yet what separates them from the rest of the lot (aside from their nifty outfits, superhuman powers, and the wide array of cool gadgets at their disposal), was their willingness to sacrifice a limb or two, even their very lives, in order to protect innocent people. Every night, I go to sleep with peace of mind, knowing that these heroes will always be there if ever I were to be in trouble.
I took my admiration for these heroes of mine quite seriously. Envious of the high tech gadgetry that James Bond and the members of the IMF (the Impossible Missions Force) have in their arsenal, I took it upon myself to “invent” and have the same sets of these weapons so as to aid me whenever I go on dangerous missions and face nefarious villains myself, during times of role playing. With the imagination kicking in, I gathered empty containers of baby powder, alcohol, etc and cartons of Nido milk, and spent countless hours cutting, measuring, and gluing these materials together to come up with my own tools for fighting crime. Imagine my delight every time I was able to finish my task!
Spy cams, cassette recorders, tracers, high tech explosives, state-of-the-art guns, name it, I have it! In spite of my parents’ frequent scolding because of their belief that I was merely wasting my time tinkering with “garbage,” I couldn’t care less. I never looked at these marvelous creations of mine as useless pieces of junk but rather, fully functional weapons to aid me in my crusade against all things evil.
If I weren’t that crazy enough, I even brought these contraptions to school and started acting out my favorite heroes’ latest escapades whenever the opportunity for doing so presented itself. During recess, I can be found not inside the canteen, eating snacks; In fact, I can be found nowhere by no one, because I was using my expertise in espionage that James Bond has taught me, in going after this powerful villain with a fiendish plan of blowing up our school! Hey, somebody has to do all these “saving-the-world” stuffs, so please stop laughing at me! Anyway, I would only return to class once I have already defeated the miscreant. Since I am damn good in the Superhero biz, no record of any loss stains the clean slate of my Superhero resumé.
However, not a single student, or even classmate, shares the same sentiments. After beating the crap out of some whacko and saving the school and/or the world as a result, I return to class welcomed not as a hero, complete with never ending rounds of applause and hollers of admiration, but with sneers, giggles, and mocking stares. I return to my seat feeling exalted for another job well done, but at the same time saddened that no one ever appreciates what I’m doing.
The suffering never stopped there. The number of friends I used to have steadily diminished that there came a time that I was sort of ostracized from the class. No one would ever dare go near me, or talk to me, lest they want to be branded a name from among those commonly associated to my nomenclature: nerd, geek, freak, weirdo, crazy. Name it and chances are, you’d find it attached to my name.
I found refuge in the company of fellow science fiction geeks (two fellow science fiction geeks, to be exact). For the first time ever in my long stint as a hero, I finally found people who, not exactly appreciate, but rather understand what I am doing. They stood by me during the times that no ordinary person would ever dare to, afraid of being branded a freak like me. They closed their ears to the name-callings and harmful things that follow us wherever we go. They were the heroes that I knew would be present come the time when I am the one that needs saving.
Sure it has been a long time when these events happened. But looking back, I absolutely have no regrets whatsoever. What remains is my desire to be a hero, to be able to implement changes in the world so that no one would be suffering anymore; only this time, I need not have powerful weapons at my disposal, nor be clad in nifty outfits or spandex. What I need to do is to first look at myself and strive to change for the better, if not for the best. Only by accomplishing these would I be able to influence others to do the same, which will inevitably lead to positive changes on a much grander scale. Only by that time can I truly consider myself a HERO.