Thursday, January 26, 2006

Kunekdadats (Thh Priated Eiidton)

(.) Sa mga operasyon ng Optical Media Board laban sa piracy, maraming pagawaan na rin ang kanilang nilusob, at kinumpiska ang mga replicating machine kasama ang mga pirated DVD, VCD at audio CD na tinatayang milyon-milyon ang halaga. Sa mga televised na pagsira sa mga nakumpiskang bagay, makikitang sinusunog o pinasasagasaan sa pison ang mga ito. Wala nang naririnig pang balita tungkol sa mga kinumpiska ring replicating machine.
(.) Ayon sa mga "eksperto," sadyang depektibo raw ang mga pirated disc kasi sobrang bilis ng replicating procedure at sadyang bara-bara ang pagkakagawa. Para sa mga nakapanood na ng pelikula o nakapakinig na ng musika sa tulong ng piracy, makikilala ang depektong ito sa pagiging hirap ng player na mabasa ang mga disc, o di kaya'y ang paulit-ulit na eksena (kung pelikula) o lyrics (kung musika). Para sa mga pelikula, kapansin-pansin din ang mga parisukat na lumalabas sa ilang piling tagpo, kaya nagmumukhang jigsaw puzzle ang nabanggit na eksena.

(.)Madalas akong bumili ng mga wrestling VCD na inilalabas ng Viva; madalas din akong bumabalik sa mga video store para magpapalit ng mas magandang kopya. Parati kasing may depekto ang naibibigay sa akin, gaya ng pixelation sa ilang piling tagpo at ang madalas na paghinto ng player sa pagbabasa ng mga nabanggit na VCD.

(.)Mura ang mga VCD ngayon. Ang mga dating P275 ang isa, mabibili na lamang sa halagang P100, pinakamababa na ang 2 for P100.

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

yes hindi na siya nagmo-moralize! mabuhay ang entry na ito!

8:19 PM  

Post a Comment

<< Home