Monday, March 26, 2007

WANTED: Volunteers

Natanggap ko ang panawagang ito sa ateneo mail ko. Baka interesado ka, kaibigan, sign-up na.

An Appeal to the Ateneo Community and Their Friends:We need volunteers for a post-election vote count! Thank you very much in advance for any help you may extend.

WHAT: Bantay Bilang
Bantay Bilang is a parallel vote count effort.Ateneo Loyola Schools has volunteered to head the parallel vote count for Quezon City for the May elections. We will be working with whatever groupCOMELEC designates to perform the parallel count.

WHAT WE NEED:We need 456 volunteers per day starting May 14 so that we can finish thecount in 6 days (That's 2736 people). Even non-Ateneans can volunteer.Volunteers will attend a General Assembly on April 16.We also need food and drinks that we can serve to our volunteers during the six days operations.

HOW TO VOLUNTEER/PLEDGE DONATIONS:Email your name, organization, cell phone numberand other contact details, or Sign-up at the Sanggunian Room (MVP200), or Sign-up at the Sanggunian Promo Board along EDSA Walk.
Make a difference this summer, sign up or pledge for Bantay Bilang.

Bantay Bilang is part of the Pinoy Bantay Bayan network(pinoybantaybayan.multiply.com)


Sa mga nangako ng suporta para sa "LM," maraming salamat pero sa gulo ng politika sa bansa, hindi muna matutuloy ang ating proyekto. Just the same, maraming salamat sa mga nangako ng tulong. Hayaan niyo, matutuloy din ito sa takdang panahon. For now, tara bantay boto na muna tayo.
Bukod pa rito, tangkilikin nawa natin ang mga programa gaya ng "Philippine Agenda" ng GMA 7 para maging malay tayo sa mga isyung kinakaharap ng bansa at nang sa gayon makapili tayo ng mga pinunong makatutugon sa mga suliraning ito. Maganda rin ang ipinalalabas sa ANC at ABS-CBN, na kinatatampukan ng mga kandidato sa pagka-Senador. Sa nabanggit na programa, may panel na nagtatanong sa mga kandidato hinggil sa kanilang mga posisyon sa iba't ibang isyu, at binibigyan sila ng 1 minuto't kalahati para ipahayag ang kanilang mga sagot.
Kadalasang sinasabi na wala tayong karapatang magreklamo tungkol sa gobyerno kung hindi naman tayo boboto/bumoboto; para sa akin, kulang ito. Kailangan MATALINO rin ang ating pagboto: mag-ingat tayo sa mga politikong wala namang alam kundi ang mangakong kasama siya ng mamamayan sa pangangarap (anong gagawin mo sa Senado, gunggong, matutulog lang?!? bobo amputa, oo IKAW!), ang mga balimbing na simbilis ng sinok magpalit ng partido para lang makasagap ng mga "biyaya," ang mga taong ni hindi alam ang ibig sabihin ng "globalization" at hindi nakauunawa kung ano ang "extrajudicial killings," ang mga eco-terrorist na sa tuwing sisitahin dahil sa mga poster nilang ilegal na nakapaskil kahit saan lalo na sa mga puno ang idadahilan hindi nila alam at tanging ang mga volunteer nila ang responsable (mga gago, kampo niyo nga di niyo makontrol buong bansa o isang buong distrito pa kaya; tapos sa kamangmangan niyong yan, may lakas kayo ng loob na tumakbo!), lalong-lalo na ang mga party-list na alam na alam mo namang (pangalan pa lang ng grupo naghuhumiyaw na sa pagka-required ang pagkakabuo at ang pagkaka-accredit ng Commission on Electoral Fraud o COMELEC F.u.) hindi kumakatawan ng marginalized sector kundi front lang ni TROLL (he he, kala mo ligtas ka na) para dumami ang kanyang mga alagad sa Kongreso. Guys, matagal na tayong niloloko; kahit paano sa isang boto natin (ayon nga sa mga patalastas ng GMA 7 na talaga namang kahanga-hanga at napag-isipan nilang ipalabas), may laban tayo kaya huwag nating aksayahin. Kaya natin 'to, kaibigan, kaya natin 'to.
(Ipagpaumanhin kung "Tulfo" mode na naman ako, kita tayo minsan at kukuwentuhan kita kung bakit. )

Labels: ,

Saturday, March 17, 2007

Required Writing (muli)

No, hindi ito excuse para lamang masabing may "bago" akong entry. Nagkataon lang na habang nagpapahinga matapos ang nakapapagod na pagdaraos ng WIKI 2007 sa APAT kong klase ng Fil 12 (ito ang "mini-me" version ng Sawikaan ng Filipinas Institute of Translation, Inc. Napagpasyahan kong ipatupad ito para makatulong sa mga estudyanteng nagnanais sumali sa pambansang kumperensiya), naisip kong dumaan sa mga blog ng mga kaibigan; nataya ako ni Yol sa kanyang latest entry, at naisip ko mukha namang nakaaaliw kaya heto, ginawa ko na rin.

1. One book that changed your life. Alam kong corny pero "Romeo and Juliet" ni Shakespeare. High School ako nang una kong mabasa ang akda, at hindi ako natangay ng kuwento mismo ng ill-fated lovers na sina Romeo and Juliet (duh), kundi ng gamit ng Ingles ni pareng Shakespeare. Sabi ko "tangna, ayos na pang-pick up line ito ah!" sa bawat linyang inuusal ng mga tauhan na may kaugnayan sa pag-ibig. Dahil sa aklat na iyon, napagpasyahan kong kumuha ng AB-Lit (Eng) sa UST, para kako maging malupit din ako sa malikhaing pagsulat (na ipinagpalagay ko noong pandagdag sa pogi points; later on, nalaman kong hindi na pala kailangan... taragis ANG KAPAL!). Heto, sa awa ng Diyos bahagi ako ng FILIPINO DEPARTMENT ng Ateneo. Astig.

2. One book you have read more than once. Kung counted ang "Hulagpos" o "Likha," then isa sa mga ito ang isasagot ko. Kung hindi naman, "Understanding Popular Culture" ni John Fiske, "The Practice of Everyday Life" ni Michel de Certeau, o "The System of Objects" ni Jean Baudrillard. Bukod sa nakatulong nang malaki ang mga nabanggit na aklat sa comprehensive exam ko dati, gamit-gamit ko pa rin ang tatlong ito sa mga papel na ginagawa ko sa kasalukuyan. (oo na, inaamin ko na, hindi madaling intindihin si de Certeau at Baudrillard kaya kailangan ding ulit-ulitin).

3. One book you want on a deserted island. Anumang aklat ni Jean Baudrillard na lang. Kung mabubuang din naman ako dulot ng pag-iisa sa isla, mabuti pang si Baudrillard na ang maging sanhi ng kabaliwan ko. At least profound ang dahilan di ba?

4. One book that made you laugh. 2004 yata iyon nang magtambak ang Powerbooks ng mga P99 hardbound books sa kanilang mga store, yun bang mga discarded na aklat sa kung saan-saang library sa America. Bukod sa mga biography ng mga wrestler at ilang libro ng analisis tungkol sa terorismo, nakatiyempo rin akong makabili ng "Lamb" ni Christopher Moore. Dalawang beses ko nang nabasa ang nobela sa sobrang kuwela nito. Bago pa nauso ang "Da Vinci Code," "The Gospel of Judas," at kung ano-anong aklat na pumapaksa umano sa mga lihim ng Kristiyanismo, nauna na si Moore sa "pagsisiwalat" (sa nakatatawang paraan) sa mga paksang hindi bahagi ng kanon ng Kristiyanismo. Si Biff, ang best friend ni Jesus mula pagkabata, ang tagapaglahad ng kuwento, at ibinulgar niya ang mga suliraning kaakibat ng responsibilidad ng kanyang kaibigan bilang tagapagligtas. Kung sa tingin mo naging madali para kay Hesus na tanggapin ang responsibilidad, ang tadhanang iligtas ang sangkatauhan sa pag-aalay ng kanyang buhay sa krus, para sa iyo ang aklat na ito.

5. One book that made you cry. "David Copperfield" ni Charles Dickens. Book Report ko iyon dati nung 3rd year college, nakhampoocha araw na mismo ng pag-uulat sa klase may 10 chapters pa akong kailangang basahin! Sino ba namang hindi maiiyak nun di ba? Mabuti naman at naging maayos ang pag-uulat, pero pagkatapos na pagkatapos niyon iniregalo ko agad ang nobela sa Central Library ng UST.

6. One book you wish you had written. Simple lang: "One Hundred Years of Solitude" ni Gabriel Garcia Marquez. 'Nuff said.

7. One book you wish had never been. Para sa sagot ko, sasang-ayon ako sa mga nabanggit ni Yol. Nagsalin kaming tatlo (kasama si Sir Mike) ng isang aklat tungkol sa mga karamdaman at mga simpleng lunas. Dahil kaibigan ni Sir Mike ang "awtor" (and I use the term loosely), wala nang kontra-kontrata pa, at tanging salita lamang niya ang pinanghawakan namin, ang pangako niyang kikilalanin niya kami bilang mga tagasalin kahit sa copyright page lang (buti sana kung ito lang ang ginawa namin, kaso lang kinailangan din naming ayusin ang kanyang mga artikulo na kahit nasa Ingles na, ubod pa ng sablay). Nang makita ko ang aklat sa M_rc_r_ D_u_, agad akong bumili para makita ang aming mga pangalan. Nakhampoota, nang buksan ko ang aklat ni sa talababa wala! Inamoy-amoy ko na lang ang libro, mabango naman ang mga pahina nito. Ngayon, maraming natututuhan ang mga magulang ko kababasa sa nasabing aklat, hinggil sa mga sakit at paano lulunasan/maiwasan ang mga ito. Tiyak kong may natutuhan din kaming tatlo mula sa karanasang ito. (pero it doesn't change the fact na %$*#&!na ka pa rin tol, ginago mo kami)

8. One book you are currently reading. Fastfood Nation ni Eric Schlosser. Naalala ko noong elementary pa lang ako, maugong ang mga balitang hindi naman tunay na baka ang sangkap ng mga patty ng Jollibee. Ayon sa mga "mapagkakatiwalaang" source (meaning, yung kaklase mong may kaibigan na yung pinsan ay anak ng mga nagku-culture umano ng lihim na "sangkap" ng mga hamburger patty), cultured na bulate raw ang karneng ipinalalaman sa hamburger bun. Noong college days naman, kumalat sa e-mail ang expose na hindi na raw mga tunay na manok ang inihahain ng KFC (ayon pa sa mga "experto," patunay raw nito ang pagpapalit ng pangalan, na ngayon akronim na "KFC" na lang sa halip na "Kentucky Fried Chicken") kundi mga organismong wala nang balahibo, tatlo o apat, minsan nga lima pa, ang binti, at pinananatili na lamang "buhay" sa pamamagitan ng mga kemikal na iniiniksiyon sa nasabing "bagay." Sa pagsisiwalat ni Schlosser tungkol sa industriya ng fastfood, tiyak kong mas nanaisin mo pang totoo ang mga naturang conspiracy theory kumpara sa katotohanan ng kung ano ba talaga ang sangkap ng kinakain mong fastfood.

9. One book you have been meaning to read. "300" ni Frank Miller. Bilang self-proclaimed comicbook scholar, pakiramdam ko pinagtaksilan ko ang sarili ko nang una kong mapanood ang pelikula bago mabasa ang graphic novel. Sablay.

10. Huli ka! Basa-basa ka pa ng blog ng may blog ah, hetong sa'yo! gaya ka na, magpaka-required ka na rin para may bago kang entry!