Separated at Birth?
September 26, 2006
Kahapon narequire akong mag-proctor sa klase ng kasamahan ko dahil nakatakda siyang magbigay ng long test at hindi raw siya makapupunta. Maluwag ko sanang tatanggapin ang responsibilidad dahil naging estudyante ko rin naman ang mga batang nabanggit nang minsang nag-substitute ako para sa kanya, kaya lang marami akong pinagkakaabalahan lalo na ang aking thesis. Magpapaliwanag sana ako kaya lang laging may pabirong banta (pabiro nga kaya?) na kung sakaling tumanggi ako okey lang naman daw, kaya lang alalahanin ko raw na hindi pa ako nakakapag-defend ng thesis proposal. Kahit sino naman siguro mapapa-OO na lang kung laging may kaakibat na paninindak.
10:30 ang naturang klase, isa’t kalahating oras makalipas ang unang klase ko tuwing TTH. Ito sana ang panahong inilalaan ko sa pagkain ng tanghalian, lalo pa’t alas-12 hanggang 1:30 ang susunod kong klase, kaya lang napilitan akong pumunta nga para magproctor. Nagdala na lang ako ng ilang papel na wawastuhan para hindi naman sayang ang oras ko.
Pagdating ko sa kuwarto, may pagbati naman akong natanggap (hindi nga lamang malinaw kung bukal ba sa kanilang kalooban ang pagbati o baka pati sila narequire na rin), gaya ng hi, sir! Kumusta na kayo, sir? Sir, namiss namin kayo, etc. Hindi ko naman na pinatulan ang kanilang mga bati dahil gaya nga ng nabanggit ko, narequire lang akong magpunta, ergo, mabigat sa kalooban ko yung pagtanggap ng tungkulin. Matapos magdasal, pinatahimik ko sila agad at binasa ko nang malakas ang mga panuto para sa long test.
Nilibot ko ng tingin ang kuwarto para matiyak na walang nangongopya o nagpapakopya. Naisip kong wala naman sigurong (a.) mangangahas na gumawa ng kalokohan lalo pa’t ako ang nagbabantay, at (b.) wala akong mapapala sa katutunganga, kaya nagwasto na lang din ako ng papel (mga article proposal para sa magazine na final exam ng mga estudyante ko).
Sa minsanan kong pagsulyap sa mga bata, bakas sa kanilang mga mukha ang paghihirap sa pagsagot. Gaya nila, may pinagdaraanan din akong pagdurusa dahil sa mga *&^%$)@( paksang ipinasa sa akin. Ikaw ba matutuwa kung makababasa ka ng mga ganito (arranged according to the level of inanity):
(2.) Pangangatwiran kung bakit dapat nang tanggalin ang subject na religion o theology sa mga paaralang Katoliko.
(10.) Pagtuligsa sa pagkahilig ng mga Pinoy sa basketbol.
(8.) Pagkahilig ng Pinoy sa vetsin.
(3.) Ang ginagawang brainwashing ng Opus Dei sa mga batang nag-aaral sa mga paaralang pinatatakbo nila upang makahuthot ng pera.
(5.) Bakit mahal ang kape sa Starbuck’s?
(6.) Ang Red Bull sa Pinas pang-trabahador pero sa ibang bansa pang-artista.
(4.) Karanasan sa pagbabasketbol sa lansangan nang nakapaa.
Pagkahilig ng Pinoy sa patis.
(7.) Atenista si God batay sa pinakabagong tagumpay ng Blue Eagles sa Game 1.
At para sa NUMBER 1 SPOT, may TIE (take note, iisang estudyante lang ang nagmungkahi nito):
(1.) Mayabang ang lahat ng may Pajero.
(1.) Masama ang pakikitungo ng mga tao sa kapuwa nilang may mabahong hininga. Patutunayan ko [ang estudyante] ito sa pamamagitan ng hindi pagsesepilyo buong araw, pagkain ng Boy Bawang sa almusal at shawarma naman sa tanghali at gabi at pakikipag-usap sa kung sino-sino para malaman ko kung paano nila ako itatrato.
Hindi naman na siguro dapat pang pagtakhan na nasira ang araw ko dahil sa mga paksang ipinasa. C’mon, matatapos na ang sem mga ganung uri pa rin ng kahunghangan ang pinag-iiisip ng mga estudyante?
Nakasimangot (oo, sa maniwala ka man o hindi, hindi ako laging naglalakad nang nakasimangot) akong naglakad papunta sa susunod kong klase. Papalapit ako sa isang lugar na tinaguriang “dog house” (don’t ask me; basta ang hitsura nito parang karaniwang waiting shed) nang makita kong maraming estudyanteng nakakumpol sa daraanan ko, tumitingin sa isang blackboard. Sa kanila ko sana ibubuhos ang galit na nararamdaman ko (harangan ba naman ang daraanan ni The Game!), pero hindi ko na lang ginawa at sa halip nakitingin na rin ako sa kanilang pinagmamasdan.
Doon pala nakalista ang mga nominadong guro para sa isang programang ipalalabas ng isang student org bilang parangal sa mga guro. Mga estudyante ang nagbibigay nominasyon, at sila rin ang boboto para sa kanilang mga paborito sa mga kategorya gaya ng “Legend award,” “Teacher-student look-alike,” “Teacher-celebrity look-alike,” “Crush ng Bayan,” atbp. Nakita ko ang pangalan ko sa “Legend,” so napangiti na ako. Nang makita ko ang pangalan ni Yol sa Crush ng Bayan category, that surely made my day!
Sa harap ko, may tatlong estudyanteng lalaki na nagbubulungan. May pagtataka sa kanilang mga tono, at mahihiwatigang seryoso ang kanilang pinag-iisipan. Narinig ko ang sinabi ng isa: “Pare, apat na taon na ako dito sa Ateneo pero wala pa akong nakikitang teacher na kamukha ni Triple H. Sino kaya yan?” Nang tingnan ko ang kategoryang “Teacher-celebrity look-alike,” nakita kong nakasulat: “Jelson “The Game” Capilos & Triple H.”
Patuloy sa pag-uusap ang tatlo, marahil di na yata aalis sa kanilang puwesto hangga’t hindi nila naiisip o nakikita kung sino ba ang teacher na kamukha ni Triple H. Kung lumingon lang sana sila sa likod.