Friday, April 07, 2006

N for Novelty

Heto ang latest obra ni Maestro of Mayhem, ang "Gloria" (adapted from Kamikazee's "Narda"). Just think of The Game as Lito Camo with social awareness.

“Gloria”

Tila si Marcos kung umasta
Lumikha ng panic kami’y napatigil
Sa polisiyang nababalot ng hiwaga

Napapansin mo ba dami ng aming protesta
Ayaw na namin sa iyo
May pag-asa bang bumaba ka na?

Awit na nananawagan
Sana naman iyong pakinggan
Krisis na politikal
Sa patama na lang idaraan

Nagdarasal sa langit, dito sa lupa nagagalit
Parang awa mo na
Baba ka na Gloria

Ang malas nga naman namin
Ikaw kasi ang nagli-lead
Kung ako sa iyo
Bababa na lang ako

Napapansin mo ba dami ng aming protesta
Ayaw na namin sa iyo
May pag-asa bang bumaba ka na?

Awit na nananawagan
Sana naman iyong pakinggan
Krisis na politikal
Sa patama na lang idaraan

Nagdarasal sa langit, dito sa lupa nagagalit
Parang awa mo na
Baba ka na Gloria

Maglunsad kaya kami ng gulo
Para lang iyong pakinggan?
Ito ang tanging paraan
Para lumayas ka

Gagawin kaya, sa kapal ng iyong mukha
Kung yumayaman nga naman
May pag-asa bang lalayas ka pa?

Awit na nananawagan
Sana naman iyong pakinggan
Krisis na politikal
Sa patama na lang idaraan

Nagdarasal sa langit, dito sa lupa nagagalit
Parang awa mo na
Baba ka na Gloria


Ang balak ko sa susunod, "Salot" (from the BEP's "Bebot").

Thursday, April 06, 2006

Samutsari (The Petiks edition)

1. Palanca season once again... sa akin ibinilin ang mga entry form para sa nabanggit na kompetisyon. Gusto kong kumuha at magtangkang magpasa, ang problema wala pa akong nagagawang lahok. Ang pinagtutuunan ko ng pansin? Pagre-revise ng mga lyrics ng mga sikat na kanta para maging bagay sa kasalukuyang kalagayan ng bansa. Pagkatapos ng aking "Praning," nakagawa naman ako ng "Gloria," halaw mula sa "Narda" ng Kamikazee. Abangan niyo na lang ang titik ng nasabing awit.

2. Sana isang genre sa Palanca ang ganitong uri ng gawain. Hindi naman sa sinasabi kong mananalo ako, pero at least marami akong mailalahok.

3. Hanggang dito na lang muna, may pinaghahandaan kasi akong dalawang malaking kumperensiya, isa dito sa bansa at ang isa naman sa labas. BTW, sa wakas magiging published na rin si The Game matapos ang international conference na binanggit ko. Saka na ang kuwento, baka mausog kumbaga sa baby. Natalo man ako ni John Cena sa Wrestlemania, The King of Kings goes back on his throne Big Time! Time to play The Game.

Later, peeps.