Saturday, September 01, 2007

Basta

Kahapon, dumalo ako sa book launch ng librong "Mga Tilamsik-Diwa ni Soc Rodrigo" nang maanyayahan ako ni Ma'am Coralu (co-editor ng aklat at Tagapangulo ng Kagawaran ng Filipino). Sa programa, ipinakinig sa amin ang ilan sa mga tula ni Rodrigo na binigkas ng ilan sa kanyang mga kaklase (batch '58 ng Ateneo HS) at iba pang kumakatawan sa "iba't ibang sektor ng lipunan," ayon nga sa host na si Noel Trinidad.

Nagsalita ang lalaking anak ni Rodrigo at ikinuwento niya ang akda ng kanyang yumaong ama, tungkol sa lalaking (itago natin sa pangalang Peter) naghahanap ng trabaho kapalit ng makakain. Nakatagpo siya ng amo (itago natin sa pangalang Homer), at ibinilin sa kanyang gumawa ng mataas na bakuran upang hindi na makita ni Homer ang bahay ng kanyang kapatid (itago natin sa pangalang Stan) sa kabilang lote. Umalis si Homer at nagbilin kay Peter na sa kanyang pagbabalik, dapat tapos na ang kanyang ipinagagawa.

Nang makabalik ang amo, nagulat siya sapagkat tulay, at hindi pader, ang itinayo ni Peter. Sumuway man sa kanyang utos, humanga si Homer sa galing niya't inalok niya agad ng permanenteng trabaho si Peter. Sumagot si Peter na hindi siya maaaring magtagal, dahil marami pa siyang tulay na itatayo.

Ang kuwentong iyon ang nakapagpaalala sa akin ng isang pangyayari noong Huwebes. Kasama ko ang isang kaibigang (X) may napakatayog na pangarap. Binanggit niya sa isang mahal sa buhay (Y) ang plano niyang pagsabak sa isang masalimuot ngunit napakahalagang larang sa hinaharap. Noong una tumawa lamang si (Y), akala siguro nagbibiro si (X); sinabi niyang "sige just cross the bridge when you get there." Ang tugon ng kaibigan kong matapang (X):




"Don't worry, I'll be building THAT bridge."

In-friggin'-deed, my friend, in-friggin'-deed.