Saturday, August 26, 2006
At lumaki akong inaakalang maitatampok lang ako sa TV kung gagawa ako ng krimen. He he. Ipagpaumanhin ang pagmamayabang sobrang saya ko lang talaga sa experience na ito. And if you're not down with that, The King of Kings has two words for you: S*CK IT!
Wednesday, August 23, 2006
Noong August 4, 2006, lumahok muli si The Game sa Sawikaan 2006. "Lobat" ang isinali kong salita. Sa larawang ito, kasama ko ang ilang opisyal ng Filipinas Institute of Translation Inc. (FIT), si Dr. Luis Gatmaitan (1st runner up, "BOTOX"), at si Michael Andrada (2nd runner up, "TOXIC"). Hmm, ano kaya ang napili bilang Salita ng Taong 2006? : )
Thursday, August 17, 2006
Guess who's back, back again, The Game's back, tell your friends
Oh Yeah, The King of Kings is back on his throne!!! On your knees, dogs! Kumusta mga kaibigan? para sa mga nagtitiyagang dumaan at walang bagong nasisilayan, paumanhin. Marami lang akong pinagkaabalahan nitong mga nakaraang buwan, na may mabuti namang naibunga. Basta makatapos lang ako ng ilang gawain, it's back to blogging.
Ngayong narito ka na lang din naman, baka gusto mong bumili ng Sawikaan 2005.
Tampok dito ang napiling salita ng taon noong 2005, ang "HUWETENG," courtesy of Sir Bobby AƱonuevo. Narito rin ang lahok ni Yol Jamendang ("WIRETAPPING"), Vlad Gonzales ("BLOG"), at siyempre, ang pangunahing dahilan para sa ad na ito ang lahok ni THE GAME ("NETWORKING"). Sulit ang iyong pera sa aklat na ito, kaya takbo na sa pinakamalapit na bookstore (huwag lang sa Merriam-Webster) para bumili ng librong ito. Siyempre, huwag ding kalilimutang bumili ng Sawikaan 2006 na ilalabas naman sa susunod na taon. : )
Nais ko lang ding banggitin na on a roll ang Kagawaran ng Filipino ng Ateneo. Noong Lunes, August 21, itinampok sa News Central ng Studio 23 ang isinagawa naming Sagala ng mga Sikat noong August 18. Sa nasabing feature, ipinaliwanag ng reporter na ito ang paraan ng pakikibahagi ng Kagawaran sa pambansang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, habang ipinakita ang ilang arko at float na ginawa ng mga estudyante. Kinapanayam din ang aking co-faculty, si Ariel (ipinakilala siyang "Ryel" sa feature) Diccion hinggil sa kahalagahan ng ganoong aktibidad. Siyempre, naging posible ito sa pagtutulungan ng LAHAT ng miyembro ng Kagawaran. Sa susunod na taon uli.
Hanggang dito na muna, saka na uli ang kuwento kabilang na ang aking Singapore trip with my one and only, at ang (ehem, ehem) paglabas ni The Game sa 24 Oras at News on Q kagabi.