Kapamilya kuno
Talagang iba magmahal ang kapamilya... cariño brutal, ika nga.
June 3, 2004
“We believe that financial returns eventually result from good acts.”
Noong Mayo 20, nagpunta ako sa ABS-CBN para sa isang job interview. Nagpasa kasi ako ng aplikasyon dahil nabalitaan kong nangangailangan sila ng news catalog writer. Matapos ang nasabing panayam, sinamahan ako ni Anne, kaibigan ni Hya at kasalukuyang nagtatrabaho sa nasabing himpilan bilang HR ‘consultant’ (maipaliliwanag mamaya kung bakit nakapaloob sa ‘ ’ ang salitang consultant) papunta sa ELJ building kung saan may nakatakda ring panayam si Hya. Mula sa Talent Center building, naglakad kami patungo sa ELJ. Dumaan kami sa backstage ng “Masayang Tanghali Bayan, Ang Saya-Saya!” kung saan ipinaalam sa akin ni Anne na may bayad pala ang manood ng nasabing programa, P100, kabilang na ang tour sa buong studio at pakikipagkilala sa mga artista.
Nang marating namin ang lobby ng ELJ, napansin ko ang malawak na tarpaulin sa pader malapit sa entrance ng nasabing gusali. Makikita sa poster ang naglalakihang imahe ni Eugenio Lopez, Sr., kabilang na ang ilang pabalat ng magasin kung saan siya ang tampok, at ang kanyang mga ‘quotable quotes.’ Sa mga ‘makabuluhang kataga’ na kanyang sinabi, di-hamak na mas malalaki ang titik ng katagang mababasa sa itaas ng akdang ito kung kaya’t nakatatawag ito ng pansin.
Nang mabasa ko ang pahayag, sabi ko sa sarili ko, okey rin pala itong kinikilalang nagtaguyod ng himpilang Kapamilya, hindi lang puro pagpapayaman ang nasa isip. Naalala ko rin ang kanilang mga programa para sa kapakanan ng tao at kalikasan, halimbawa na lamang, ang tanyag na Bantay Bata 163 at ang pangangalaga sa forested area sa watershed ng La Mesa Dam. Lalo akong napahanga sa kanilang business ethic, na may kaakibat na pananagutan sa kapwa at kapaligiran.
Nakarating kami sa parang food court ng ELJ building, at kumain si Anne sa Kimchi. Sa katabi naming mesa, maraming mga bata ang nagkakagulo. Iyon naman pala, nakaupo sa may katabi naming mesa ang mga teen questors ng programang Star Circle Quest. Hindi ko naman sila kilala, maliban sa magandang si Sandara, dahil bata pa lamang ako, Kapuso na ako bago pa man naimbento ang bagong-pausong salitang ito. Oo sira ang signal ng Dos sa amin, subalit kahit noon pa mang malinaw ang reception ng Channel 2, hindi ako nanonood ng kanilang mga programa.
Habang kumakain si Anne, nauwi ang kuwentuhan sa kasalukuyan niyang trabaho. Tinanong ko siya kung masaya ba siya sa kanyang pinapasukan ngayon (dati kasi siyang kasama sa opisina ni Hya, ngunit nagbitiw matapos matanggap sa Channel 2). Oo naman ang sagot niya, pero mayroon siyang ibinulgar na labis kong ikinagulat: contractual lang siya! Bilang patunay ipinakita niya ang kanyang ID, mali, ang kanyang ‘Access Badge’ pala dahil iyon lang naman ang silbi ng nasabing piraso ng plastik: ang malayang paglabas-pasok sa mga gusali ng Dos. Bukod pa sa salitang “Access Badge” sa halip na “ID” na nakasulat, pahalang din ang kanyang Access Badge kumpara sa mga ID ng mga empleyadong regular. Ang sabi ko, hindi ba bawal ang contractualization sa trabaho? Ang sagot niya, nalulusutan ito sa tuwing ‘per project basis’ ang deklarasyon sa pagkakakuha sa isang kontraktuwal na manggagawa. Matapos ang taning para sa isang ‘proyekto,’ pag-iisipan ng mga tagapangasiwa kung kukuhain ka uli bilang di-regular o regular, o di naman kaya’y hindi ka na kunin pa ulit. Nauuso raw ang kontraktuwalisasyon sa trabaho ngayon bilang pag-iingat na rin ng mga may-ari na makapagtaguyod ng mga unyon ang kanilang mga manggagawa. Kasama ng sagot niyang “OO” sa katanungan ko kung masaya siya sa trabaho, katwiran na lang niya, at least taglay niya sa kanyang resume ang pangalan ng ABS-CBN.
Dumating si Hya makalipas ang ilang sandali, at umalis na kami upang puntahan ang kanyang naka-iskedyul na panayam. Pagdaan namin sa lobby ng ELJ, binasa ko nang maigi at kinabisado ang mga katagang sinambit ni Eugenio Lopez, Sr.: “We believe that financial returns eventually result from good acts.” Oo nga naman, sadyang kabutihang loob ang kumuha ng mga tauhang maninilbihan sa loob lamang ng panahong may taning, kadalasan hindi lalagpas sa siyam na buwan, bilang pansamantalang tugon sa mga pangangailangang pinansiyal, kahit pa walang katiyakang gigising sila isang araw na may trabaho pang naghihintay sa kanila.
Sadyang ang saya-saya ano?

3 Comments:
hoyhoyhoy! link na kita, a.
isusumbong kita kay tito geny.
@ yol, tito mo din si tito geny???
madaming kumpanya ang ganyan kaibigan.
Post a Comment
<< Home